Skip to main content
Raiders
Advertising

RECAP: Raiders Kinaya ang Chiefs, 26-16

102812-gamecenter-cp.jpg

Nasalo ni WR[Denarius Mooreinternal-link-placeholder-0]ang 8-yarda na pasa mula kay QB[Carson Palmerinternal-link-placeholder-0]para sa TD sa 2nd kuwarter. Photo by Tony Gonzales.

Nanalo ang Oakland Raiders sa Kansas City ng ika-6 na beses na sunod-sunod. Napigil din ng Raiders si RB Jamaal Charles sa 4 yarda lamang sa limang pagdala ng bola at si QB Carson Palmer ay pumasa ng 2 TD sa Linggo 8 ng 2012 Regular Season, para sa tagumpay na 26-16.

Nanalo ang Raiders sa pambungad na coin toss at pinili nilang tumanggap ng bola. Si RB Mike Goodson ang sumalo sa opening kickoff ni K Ryan Succop at niluhod niya ang bola sa endzone para sa touchback. Sa unang play, pumasa ng mahaba si QB Carson Palmer at ito ay naagaw ng dating Raiders na si CB Stanford Routt at dinala niya sa Oakland 44. Mabuti na lang at pinigilan sila ng depensa ng Raiders sa three-and-out at nag-punt si P Dustin Colquitt. Sinalo ito ni Phillip Adams sa Raiders 6.

Pagkaraan ng 8 play, gumana ang Raiders ng 76 yarda, pero natigil ang drive kaya sumipa si K Sebastian Janiwowski ng 36-yarda na field goal at lumamang ang Raiders ng 3-0 sa 9:51 ng unang kuwarter.

Ang kasunod na kickoff ni Janikowski ay na-touchback. Matapos ang isang 1st down, napuersa ng Raiders na mag-punt si Succop. Ibinalik ito ni Adams sa Oakland 17.

Na-three and out ang Raiders ng Chief. Ibinalik ni CB Javier Arenas ang 43 yarda na punt ni Lechler sa Chiefs 49. Matapos ang ilang play, na-intersep ni S Matt Giordano ang pasa ni QB Brady Quinn at dinala niya ang bola sa Chiefs 45.

Natigil ang drive ng Raiders sa 17 at sumipa si Janikowski ng 35 yarda na field goal upang mabigyan ng 6-0 na lamang sa 14:44 ngt 2nd quarter.

Nasaktan si Brady Quinn kaya pumasok si Matt Cassel na quarterback. Tumigil din ang abante ng Chiefs sa Raiders 12 kaya sumipa si Succop ng 30-yarda na field goal. Lamang pa rin ang Raiders ng 6-3 sa 10:21 ng  2nd quarter.

Ibinalik ni Goodson ang kickoff sa Raiders 20 pero na-three-and-out ang Raiders. Dinala ni Arenas ang punt sa Chiefs 46. Sumugod ang Chiefs, pero na-sack ni LB Philip Wheeler ang quarterback sa 3rd and 3. Pumasok ang 42-yarda na field goal at nagtabla ang iskor sa 6-6 sa huling 4:12 ng 1st half.

Ibinalik ni Goodson ang bola sa Oakland 26. Nahinto ang atake nila sa 49 yardline at nag-punt si Lechler. Hindi nasalo ni Arenas ang punt at naagaw ito ni LS Jon Condo at dinala niya sa 11. Tatlong play lamang bago kumunekta si Palmer kay WR Denarius Moore para sa 9-yarda na TD. Kasama ang extra point at lumaki ang lamang ng Raiders sa 13-6 sa huling 49 sandali ng 2nd kuwarter.

Na touchback ang kasunod na kickoff ni Janikowski. Umabot ang drive ng Chiefs sa midfield at hanggang doon na lang sila bago niluhod ni Cassel ang bola upang ubosin ang oras. Dinala ng Raiders ang lamang na 13-6 sa halftime.

Ang pambungad na kickoff sa 2nd half na tinanggap ng Chiefs ay na-touchback. Sa unang play nila, nag-fumble ang Chiefs sa snap at mabilis na dinaganan ang bola ni DT Tommy Kelly at nakuha nila sa Chiefs 18. Kahit na di gumana ang drive ng Raiders, sumipa naman ng 29 yarda na field goal si Janikowski at lumaki ang lamang nila sa 16-6 sa 13:58 ng orasan ng 3rd kuwarter.

Si RB Shaun Draughn ang sumalo sa kasunod na kickoff at dinala niya sa Chiefs 22. Napuersa ng Raiders na sumipa ng field goal na 52-yarda si Succop pero pumasok ito at lumiit ang lamang ng  Pilak at Itim sa  16-9 sa 8:40 ng 3rd kuwarter.

Sinalo ni Goodson ang kasunod na kickoff na touchback. Dinala ni Palmer ang Raiders sa buong 80-yarda patungo sa endzoneat at tinapos niya ito ng 32-yarda na pasa kay WR Darrius Heyward-Bey para sa touchdown. Pumasok din ang extra point at lumayo ang Raiders sa iskor na 23-9 sa 5:40 ng 3rd kuwarter.

Nagkasala ng penalty play ang mga Chiefs sa kanilang pagtanggap ng bola at sila ay nag-umpisa sa kanilang 10. Na-three and out sila ng Raiders at ibinalik ni Adams ang punt ng 27 yarda hanggang sa Chiefs 45.

At sa mga sumunod na mga play ay nagbawian ng three and out ang dalawang team. Hanggang sa maibalik ni Adams ang punt ni Colquitt sa Oakland 24, at gumana ang atake ng Raiders sa teritoryo ng Chiefs kung saan sumipa ng 32 yarda na field goal si Janikowski. Lumamang ng 26-9 ang Raiders sa huling 8:14 sa orasan ng laro.

Sa bandang buntot ng laro na lamang naka-sikor muli ang Chiefs nang masalo ni Dexter McCluster ang 10 yarda na pasa para sa touchdown. Nabawasan ang lamang ng Raiders sa 26-16 sa huling 2:27 ng laro.

Nagtangkang gulatin ng Chiefs ang Raiders ng isang onside kick ngunit mabilis na sinunggaban ang bola ni WR Rod Streater sa Oakland 45. Inubos na lamang ng Raiders ang 2;26 sa orasan at napanatili ang panalo.

Gumanda sa 3-4 ang rekord ng Raiders at pabalik sila sa O.Co Coliseum sa Oakland upang harapin ang Tampa Bay Buccaneers sa darating na Linggo.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising