Sinalo ni WR[Rod Streaterang isa sa apat na pasa na umiskor ng TD ni QB[Carson Palmer. Photo by Tony Gonzales.
Tinalo ng Tampa Bay Buccaneers ang Oakland Raiders sa iskor na 42-32 sa O.co Coliseum sa Oakland. Umabot ng 414 yarda ang kabuuan ng mga ipinasa ni QB Carson Palmer at umani ng 4 na touchdown, subali't nalusutan sila ni RB Doug Martin na bumuo ng 251 yarda at umiskor ng 4 na TD. Lumabas sa game sila RB Darren McFadden at RB Mike Goodson dahil sa parehong nasaktan.
Nanalo ang Buccaneers sa panimulang coin toss at ipinagpaliban nila ang pagpili ng pagtanggap ng bola sa 2nd half. Pinili ng Raiders na tumanggap ng bola. Sinalo ni RB Mike Goodson ang kickoff at dinala sa Raiders 17. Na-three-and-out agad ang Raiders at nagpunt si P Shane Lechler at nag-take over ang Tampa Bay sa kanilang 27.
Isang first down ang napalusutan ng Raiders bago napuersa na mag-punt ang Buccaneers, salamat sa sack ni DE Andre Carter sa 3rd and 6. Narekober ng Bucs ang bola pero umabot din sa punt ang atake nila. Si CB Phillip Adams ang sumalo sa punt at sa Raiders 16 niya dinala ang bola.
Muling na-three and out ang Raiders at nag-take over ang Bucs sa kanilang 9, matapos ibalik doon ni WR Roscoe Parrish. Nahinto ang drive ng Buccaneers sa Oakland 17 at doon nagtangka na sumipa ng 35 yarda na field goal si K Connor Barth ngunit na-block ang bola ni DE Lamarr Houston at kanyang narekober ito at dinala niya sa Tampa 44.
Umabot ng 33 yarda sa10 play ng Raiders hanggang sa Tampa 11. Ipinasok ni K Sebastian Janikowski ang 29-yarda na field goal at lumamang ang Pilak at Itim ng 3-0 sa huling 45 sandali ng 1st kuwarter.
Sinalo ni WR Arrelious Benn ang tumatalbog na kickoff sa end zone para sa touchback. Dinala ni QB Josh Freeman ang Bucs ng 80-yarda at tinapos ang pagsugod nila ng isang pasa na 20-yarda para sa TD kay WR Vincent Jackson. Matapos sipain ang extra point ay lumamang ang Tampa Bay ng 7-3 sa 12:54 ng orasan ng 2nd kuwarter.
Sa Raiders 20 nagsimula ang atake nila. Nkalapit ang mga Raiders sa midfield nang ma-sack si QB Carson Palmer sa 3rd and long. Mabuti na lang at na-penalty ang mga Bucs ng 'roughing the punter' kaya nabigyan ng automatic first down ang Raiders. Di naman gumana ang atake nila at napuersa silang mag-punt. Tinangka na pumeke ng punt ang Raiders at pinasahan ni Lechler si RB Taiwan Jones pero siya ay nahinto na kulang sa first down. Dahil dito, ibinigay ang bola sa Tampa Bay sa Buccaneers 46.
Humantong din sa punt ang drive ng Bucs, at sa Raiders 5 nadala ang punt. Nakuha nila ang first down bago napuersang mag-punt ang Raiders. Naibalik ni Parrish ang 54 yarda na punt ni Lechler sa Tampa Bay 46.
Matindi ang depensa ng Raiders at na-3-and-out ang Bucs. Ang punt ni Koenen ay na-out of bounds sa Oakland 29. Gumana si Palmer ng 71-yarda at tinapos niya ang atake ng 25-yarda na pasa sa bagitong WR Rod Streater. Kasama ang extra point at balik-lamang ang Raiders ng 10-7 sa 1:20 ng 2nd kuwarter.
Umabot ang abante ng Bucs sa posisyon na makasipa sila ng 54-yarda na field goal, ngunit sumablay ang sipa. Kaya nanatiling lamang ang Raiders ng 10-7 sa half time.
Ang Tampa ang tumanggap sa bola sa umpisa ng 3rd kuwarter at sumugod sila hanggang sa dulo ng field. Tinapos ito ni RB Doug Martin ng pagtakbo ng 45-yarda upang umiskor ng TD. Kasama ang PAT ay nakuha nila ang 14-10 na lamang sa 12:09 ng 3rd kuwarter.
Na-three and out ang Raiders at sumipa ng 58 yarda na punt si Lechler at naibalik ito sa Tampa Bay 40. Sa loob ng 7 play ay dinala ni Freeman ang Bucs sa 60-yarda at sa dulo nito ay pinasahan niya si WR Mike Williams para sa yarda na TD. Lumaki ang lamang ng Tampa sa 21-10 sa 7:12 ng 3rd kuwarter.
Muling sa kanilang 20 nag-umpisa ng atake ng Raiders. Gumana ang mga pasa ni Palmer, subalit sa Tampa 32 ay na-intersep ni CB Leonard Johnson ang isang pasa. Humagibis si Martin ng 67 yarda at iniwasan ang tackle sa kaliwa para sa touchdown. Lumayo na ang lamang ng Tampa Bay sa 28-10 sa 2:15 ng 3rd kuwarter.
Hindi naman nawalan ng loob ang mga Raiders at lalo pa ngang sumigla si Palmer at tagumpay na umabante sila ng 80 yarda sa loob ng 9-play, bago tinapos ito ng 4-yarda na pasa kay TE Brandon Myers para sa TD. Ito ang unang TD sa karera ni Myers. Kasama ang extra point ay nabawasan ang lamang ng Tampa sa 28-17 sa 14:11 ng 4th kuwarter.
Ibinalik ni Benn ang kasunod na kickoff sa kanilang 30. Matagumpay na lumusot sa gitna si Martin hanggang sa abutin niya ang endzone sa isang 7 yarda na TD. Lumayo muli ang lamang ng Tampa ng 35-17 sa 13:51 ng laro..
Sa kanlang 20 muli nag-umpisa ang Raiders. At sa loob ng 7-play ay tinahak nila ang 80-yarda, basgo tinapos ni Palmer ng 1 yarda na pasa kay Myers para sa touchdown. Pumasok din ang extra point at nabawasan ang lamang sa ng Bucs sa 35-24 sa 9:48 ng 4th kuwarter.
Nagtangka ng onside kick ang Raiders ngunit Tampa Bay ang nakarekober sa bola sa Oakland 44. Pagkatpos ng ilang play, nag-fumble si RB LeGarrette Blount at narekober naman ito ni Raiders DT Richard Seymour sa Oakland 35 sa huling 7:43 ng laro. Gumana ang mga pasa ni Palmer hanggang sa bumato siya ng 13-yarda kay FB Marcel Reece para sa TD. Sa halip na sumipa sila ng extra point, ay desperadong ipinasa ni Palmer ang bola sa endzone kay WR Juron Criner para sa 2-point conversion at lumapit na ang Raiders sa Bucs sa 35-32 sa huling 3:51.
Upang may pag-asang manalo, kailangan na madepensahan ng Raiders ang pagsugod ng Bucs upang di sila makaiskor. Tunay nga na naging matatag ang depensa nila at na-three-and-out Bucs sa nalalabing 2:53 ng laro.
Maganda ang kanilang posisyon nang maibalik ni Adams ang punt ni Koenen sa Oakland 38. Subalit panadaliang kasiyahan ito nang ma-intersep ang pasa ni Palmer at dinala sa Oakland 22.
Sinamantala ito ng Tampa Bay at inilusot ang bola ni Martin hanggang sa umiskor siya ng 1-yarda na TD. Lumaki muli ang lamang ng Bucs sa iskor na 42-32 sa huling 1:49 ng laro.
Sinalo ni CB Coye Francies ang kasunod na kickoff. Dalawang play lamang ang nagawa ng Raiders nang maagaw muli ng isang Buccaneer ang pasa ni Palmer. Inubos ng Tampa ang orasan para masigurado ang panalo.
Bumaba sa 3-5 ang rekord ng Raiders at patungo sila sa Baltimore upang sagupain ang Ravens sa M&T Bank Stadium.