Skip to main content
Raiders
Advertising

Sa Treyning Camp Kitang-kita ang Pagkagiliw ng Sandaigdig sa Raiders

 

international_banner540-resized.jpg

Ika-anim na taon nang meron internasyonal na lasa ang treyning camp ng Oakland Raiders nang mag-imbita muli ang Pilak at Itim ng anim na coach mula sa iba't-ibang bansa upang sumama sa mga coach ni Raiders Head Coach Tom Cable sa Summer treyning sa Raiders Treyning kompleks sa Napa Valley, California.

Ang Programa ng Raiders para sa mga Coach na Internasyonal ay malugod na tumatanggap taon-taon ng mga coach mula sa ibang bansa sa treyning kompleks ng team. Ang mga coach ay binibigyan ng  pambihirang oportunidad na masdan ang mga praktis at nang matuto sila sa mga Pilak at Itim.

"Ang Raider Nation ay pangsandaigdig at ang aming natatanging International Guest Coach Program ay isa lamang sa aming mga nakakawiling programa upang mapagkaisa ang aming fan base sa buong mundo," sabi ng Raiders Chief Executive na si Amy Trask.

Ang anim na internasyonal na coach ay darating sa kampo sa Huwebes, Agosto 6 at titira sila roon hanggang sa unang preseason game ng Raiders laban sa Dallas Cowboys sa Huwebes, Agosto 13. Sila ay sasali sa ating taonang pista para sa fans, ang Raider Nation Celebration, na gaganapin sa Sabado, Agosto 8 sa Oakland Coliseum. Ang mga coach ay uuwi patungo sa kanilang bayan sa Biyernes, Agosto 14.

Si Markus Krause ay ang kinatawan ng Austria sa International Guest Coach Program ngayon taon. Si Krause ay nagsimulang mag-coach pagkatapos nang matagumpay na paglalaro sa SWARCO Raiders. Ang kanyang unang trabaho na coach ay noong 2008 bilang coach ng defensive back ng youth team ng SWARCO Raiders at siya rin ay naging special teams coach. Sa taong yaon ang youth team ay umabot sa pinal ng Austrian youth championship.

Si Robert Balazinec ay nanggaling din sa Austria. Lumaki siyang manlalaro ng soccer sa Croatia, ang kanyang katutubong bayan, at manlalaro ng putbol nitong nakaraang dalawang taon lamang. Noong 2008, si Balazinec ay naging kicker ng SWARCO Raiders. Pagkaraan, sinimulan niya ang bagong karera bilang kicking coach at asistant coach ng Tyroleans' youth at junior team. Si Balazinec ay na-promote sa special teams' coordinator at kicking coach ng second team ng SWARCO Raiders nitong 2009. Siya ay kasama rin na manlalaro nang magtagumpay ang SWARCO Raiders sa Eurobowl XXIII ng 2009 at Eurobowl XXII ng 2008.

Si Alex Adamo ay isinilang at lumaki sa Sweden. Sinimulan ni Adamo ang mag-coach sa isang lokal na junior program nang hawakan niya ang mga receivers at defensive backs sa isang buong taon. Sa sumunod na taon noong 2006, siya ay umasenso sa senior team at doon siya nag-coach ng mga defensive backs at gayundin bilang asistant ng defensive coordinator na si Larry Lishey. Si Lishey ay sumali rin sa Raiders International Guest Coach Program noong 2007.

Si Jose Antonio Madinaveitia ay katutubo ng Torreon, Coahuila, Mexico, na doon siya ay kasalukuyan na Head Coach ng Universidad Autónoma de Durango. Nagsimula si Madinaveitia na mag-coach noong 1983 nang makasama siya sa isang lokal na junior league at patuloy na umasenso sa defensive coordinator ng iba't-ibang college leagues. Sa kasalukuyan, nag-aaral siya ng masters sa sports managements sa U.E.D.E.P.

Si Fernando Maniega Legarda ay isang independyente na conditioning coach sa kanyang bayan sa Espanya. Si Maniega ay naging trainer ng mga propesyonal na manlalaro ng: American football, tennis, golf, racquetball, basketball, polo, aerobics at horse racing. Sa iba't-ibang pagkakataon siya ay naging conditioning coach ng Barcelona Dragons ng NFL Europe. Nagtapos siya sa University of Barcelona at nag-major sa Physical Education and Sports noong 1994. Sa kasalukuyan, mina-master niya ang pagpahusay sa mataas na baytang ang kanyang sport team.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Raiders ay tatanggap ng internasyonal guest coach mula sa Australia. Si Mel Martin ito at mahaba ang kanyang experiyensa bilang manlalaro at coach. Mula 1993, Head Coach siya ng Waverley Sharks at nanalo ng kampeonato noong 1995. Naging Head Coach siya ng Berwick Miners noong 1996 at ang posisyon na ito ay hawak niya muli pagkaraan ng agwat na dalawang taon. Kasali siya sa mga bisitang internasyonal coach sa ating Treyning Camp.

Matagal nang kilala ang Raiders bilang isang pandaigdig na organisasyon at sa kanilang pagpalaganap ng popularidad ng NFL putbol sa buong mundo, dahil sa paglalaro sa mga American Bowl sa London, Barcelona, Tokyo at Mexico City. Inaabot ng Raiders lahat ng mga tagasubaybay na internasyonal sa kanilang opisyal na pag-aari sa web sa Ingles, Espanyol, Intsik, Aleman, Hapones at Pilipino.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising