Umaakma na ihagis ang bola si Raiders QB Jason Campbell sa pambungad na laro ng 2011 preseason laban sa Arizona. AP Photo.
Natalo ang The Oakland Raiders sa Arizona Cardinals sa iskor na 24-18 sa larong pambungad ng 2011 Preseason sa O.co Coliseum ng Oakland. Sumipa si K Sebastian Janikowski ng 57-yarda na field goal at lumamang ang Raiders pero naka-rally ang Arizona para sa tagumpay.
Sabi ni QB Jason Campbell, "Nasisiyahan kami na nagkaroon ng oportunidad na lumabas dito kahit na sandali pa lang ang training camp. Mabuti naman at nakalaban namin ang ibang team, at hindi kami-kami lang. Maaayos din basta tuloy-tuloy lang ang pag-ensayo namin, at tuloy-tuloy ang pag-unlad, yan naman ang dahilan kung bakit meron preseason."
Dagdag pa ni T Jared Veldheer, "Masarap ang pakiramdam na bumalik dito. Parang napakatagal kaming nawala sa football at masarap na nakabalik kami uli, dito sa unang preseason game. Wala na akong masasabi pa, basta masarap ang feeling na nandito kami at excited kami para sa Raiders ng 2011, sigurado yan, napaka-espesyal ang nangyayari."
Sabi naman ni FB Marcel Reece , "Basta kasama namin ang kapwa kapatid at kaparehong nagsasanay gaya ng dapat na pagsasanay, ay walang kapantay na pakiramdam; ito ang pangalawang pamilya sa labas ng aming bahay, at masaya rito."
Tugon ni DT Richard Seymour, "Totoo nga medyo kinakalawang ako, at kaya meron preseason; upang maka-ensayo ng paulit-ulit at makuha muli ang timing para sa regular season. Medyo malayo pa ang pupuntahan pero sa palagay ko mahusay naman ang umpisa namin."
Nanalo ang Raiders sa coin toss at pinili nilang i-defer para sa 2nd half. Pagkaraan ng isang first down ng Arizona, napuersa ng depensa ng Raiders na mag-punt si P Ben Graham. Ibinalik ni WR Nick Miller ang punt sa Raiders 31 at doon nag-umpisa ang Pilak at Itim na si Jason Campbell ang quarterback.
Naunang bumira ang Raiders ng ipasok ni K Sebastian Janikowski ang 39-yarda na field goal at nagbigay ng lamang para sa home team ng 3-0 at meron pang 10:31 ang nalalabi sa 1st kuwarter.
Sumagot din ang Cardinals at lumapit sila sa goal line na kung saan ay matatag na dinipensahan ng Raiders at napigilan ni S Hiram Eugene ang play ng kalaban sa 4th and goal sa 1-yard line. Nag-take over ang Pilak at Itim dahil sa pumaltos sa downs ang Arizona.
Sa mga sumunod na posesyon, nagpalitan lang ng punts ang dalawang team. Nang sa orasan ay 6:37 ang nalalabi sa 2nd kuwarter, lumamang ang Raiders sa 6-0 ng ipasok ni Janikowski ang 25-yarda na field goal, sa katapusan ng 10-play at 59 yarda na drive na dinala ni QB Kyle Boller.
Ngunit nabawi agad ng Cardinals ang paglamang nang kumunekta si QB John Skelton kay WR Stephen Williams para sa 18 yarda na touchdown. Kasama ang extra point at lumamang ang Arizona ng 7-6 at 25 segundo na lang ang naiiwan sa first half.
Ibinalik ni Miller ang kasunod na kickoff sa Raiders 27. Hindi na nakaiskor ang Raiders at pumasok sila sa locker room na lamang ang Arizona ng 7-6 sa halftime.
Umabante ang Cardinals ng 10-6 matapos sipain ni K Jay Feely ang 38-yarda na field goal at meron pang 11:20 sa 3rd kuwarter.
Sumagot ang Raiders ng 11-play, 69-yarda na drive sa pangunguna ni QB Trent Edwards at tinapos ito ni Janikowski ng sipain niya ang 22-yarda na field goal at lumapit muli sila sa lamang ng Cardinals na 10-9 at meron pang 6:08 ang 3rd kuwarter.
Nagpalitan sila muli ng punts nang marekober ng Raiders ang bola matapos na ma-fumble ng Cardinals ang punt return sa kanilang 18. Sa sumunod na play, tinamaan ni Edwards ang rookie na si TE David Ausberry para sa TD. Hindi naipasok ng Raiders ang tinangkang two-point conversion, pero lamang sila ng 15-10 sa huling 2:49 ng 3rd kuwarter.
Bumawi naman si QB Richard Bartel ng isang 8-yarda na TD pasa kay TE Rob Housler. Pumasok ang PAT at ang Cards ay lumamang ng 17-15 sa huling 44 segundo ng 3rd kuwarter.
Muling naghigpitan ang depensa at nagpalitan ng punts. Gumana ang opensa sa 13-play at sumulong ng 51 yarda at isang mahabang 57 yarda na field goal ang sinipa ni Janikowski at lumamang ng 18-17 ang Raiders, sa 2:32 na lamang ang natitira.
Subalit maiksi ang buhay nang paglamang ng Raiders, dahil kumunekta si QB Max Hall ng isang 29-yarda kay WR Isaiah Williams para sa TD. Pumasok ang PAT at lumamang ang Arizona ng 24-18 at 39 sandali na lamang ang nalalab sa laro. Hindi na nakasagot ang Raiders at inubos na lamang ng Cards ang orasan.
Balik-ensayo ang mga Raiders sa kanilang Napa Valley Training Complex upang ipatuloy ang Training Camp 2011. Tatawirin ng Raiders ang Bay Bridge sa Sabado, Agosto 20, upang harapin ang karibal na San Francisco 49ers sa 2011 Preseason Week 2.
Salaysay ng Iskor
1st Kuwarter
Raiders: K Sebastian Janikowski 39-yarda FG, lumamang ang Raiders ng 3-0 sa 10:31 ng orasan para sa unang kuwarter.
2nd Kuwarter
Raiders: 25-yarda field goal ni K Sebastian Janikowski, 10 play, 59 yarda, 6:37 na lang ang 1st kuwarter.
Cardinals: QB John Skelton pasa kay WR Stephen Williams, pumasok ang PAT, Arizona lamang ng 7-6 at 25 sandali na lang ang 2nd kuwarter.
3rd Kuwarter
Cardinals: K Jay Feely 38-yarda FG, Cardinals lamang ng 10-6 at 11:20 na lang ang 3rd kuwarter.
Raiders: K Sebastian Janikowski 22-yarda FG, 11 play, 69 yarda, Cards lamang 10-9 at 6:08 na lang ang 3rd kuwarter.
Raiders: QB Trent Edwards 18-yard TD pasa kay TE David Ausberry - two-point conversion ay palpak, Raiders lamang ng 15-10 at 2:49 na lang ang 3rd kuwarter.
Cardinals: QB Richard Bartel 8-yarda TD pasa kay TE Rob Housler.Pumasok ang PAT, Cards lamang ng 17-15 at 44 sandali na lang ang 3rd kuwarter.
4th Kuwarter
Raiders: Janikowski 57-yarda FG at lamang ang Raiders ng 18-17 at 2:32 na lang ang laro.
Cardinals: QB Max Hall 29-yarda TD pasa kay to WR Isaiah Williams. Pasok ang PAT, Arizona lamang ng 24-18 at 39 sandali na lamang ang laro.