Skip to main content
Raiders
Advertising

Si Lamarr Houston Itinanghal na AFC Defensive Player of the Week

102412-houston-story.jpg

Napuersa ni DE[Lamarr Houstoninternal-link-placeholder-0]* ang fumble na narekober ng Raiders at naghatid ng field goal na nagpanalo sa kanila sa overtime.* *Photo by Tony Gonzales
*

Nakamit ni defensive end Lamarr Houston ng Oakland Raiders ang karangalan na AFC Defensive Player of the Week,  inanunsiyu sa Miyerkules ng National Football League.

Si Houston, isang 6-foot-3, 300-libra at tatlong taon na beteranong manlalaro na nagmula sa Texas, ay bumuo ng  pitong tackles (anim na solo), isang sack at isang napakahalagang napuersang fumble patungo sa tagumpay ng Raiders sa iskor na 26-23 sa overtime laban sa Jacksonville noong Linggo. Sa ikatlong play sa overtime, sa likod lumapit si Houston kay Cecil Shorts, at pinilas ang bola mula sa receiver. Narekober ang bola ng kanyang teammate na si [Joselio Hansoninternal-link-placeholder-0] , at na-set up ang 40 yarda na field goal ni [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0] para sa tagumpay.

Pangalawang beses na sa season na naghabol mula sa likod si Houston sa nagdadala ng bola para puersahin ang fumble upang mapasakanila ang bola. Mahigit 50 yarda ang tinakbo niya upang magawang mag-fumble si Demaryius Thomas, at napigil ang touchdown ng Denver noong Setiyembre 30.

Noong Linggo, apat ang mahahalagang play ang ginawa ni Houston sa huling apat na atake ng Jacksonville, kasama ang overtime fumble. Inumpisahan niya ito sa 4th kuwarter ng i-sack niya si Chad Henne, nang sunggaban niya ang paa ng QB kaya napilitan ang Jacksonville na sumipa ng field goal, pagkaraan ng fumble ng Raiders sa kanilang teritoryo. Pagkatapos ay hinadlangan niya si Rashad Jennings na gumana ng 1-yarda lamang bago mag-2 minute warning sa nagtablang laro. Nahinto rin niya si Jennings sa unang play ng overtime.

Sa umpisa ng laban nila ng Jacksonville, kamuntik nang gumana si Houston ng safety matapos na padapain niya si Jennings para sa bawas na 4 yarda sa Jags, at dalawang beses din niya na gipitin ang Jaguars, isa para mapuersa ang di-pagsalo ng bola at isa ay ang kamuntik na puersahin ang intentional grounding.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising