Skip to main content
Raiders
Advertising

Sinindak Ng Raiders Ang Chargers 35-27

101310-huff-story.jpg

Habang nakahawak ang Raiders sa maliit na lamang na 28-27, si SS [Tyvon Branchinternal-link-placeholder-0]*ay naka-recover ng bola nang mag-fumble ang kalaban at matuling dinala ang bola ng 64 yarda para sa touchdown sa kahulihang minuto ng laro. Binigo ng depensa ng Raiders ang anumang pag-asa ng Chargers na makahabol pa at tinalo nila ang masugid na karibal sa iskor na 35-27 sa Oakland-Alameda County Coliseum. Pumalit si QB [Jason Campbellinternal-link-placeholder-0] nang masaktan si [Bruce Gradkowskiinternal-link-placeholder-0] at si RB [Michael Bushinternal-link-placeholder-0] *ay kumuha ng 104 yarda sa 26 na pagdala ng bola at umiskor ng isang touchdown.

Naunang nag-receive ang Chargers nang manalo sila sa pambungad na coin toss. Sinimulan ng Chargers ang atake sa kanilang 23. Hindi nila napaabante ang bola ng 10 yarda sa tatlong play kaya three and out sila. Nang mag-punt si P Mike Scifres, hinarang ito ni RB [Rock Cartwrightinternal-link-placeholder-0]*sa loob ng end zone at nabigyan ng iskor na safety ang Raiders, at lumamang ng 2-0. Ang  free kick ng Chargers ay out of bounds sa midfield at doon nag-umpisa ang opensa ng Raiders. Umabante sila ng 18 yarda sa loob ng 5 play at sumipa ng 50 yarda na field goal si K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0] *at lumamang ng 5-0 ang Raiders sa 12:03 ng orasan ng unang kuwarter.

Si RB Darren Sproles ang sumalo sa kasunod na kickoff at ito ay touchback. Isa na namang three and out ang ginawa ng Raiders sa Chargers. Naharang muli ng Raiders ang isa pang punt at dinakma ito ni safety [Hiram Eugeneinternal-link-placeholder-0]* *at itinakbo para sa touchdown. Pumasok ang PAT at lumamang ang Raiders sa 12-0 at meron pang 10:33 left isa unang kuwarter.

Ang kasunod na kickoff ay na-touchback. Umabot ang atake ng Chargers sa Raiders 1-yard line bago nag-fumble si Mike Tolbert. Na-recover ang bola ni Safety [Mike Mitchellinternal-link-placeholder-0]*at dinala niya ito sa Raiders 14. Na-three and out ang Raiders at nag-punt si P [Shane Lechlerinternal-link-placeholder-0] *at nadala ito sa San Diego 28.

Muling naagawan ng bola ang Chargers nang ma-recover ni DT [Richard Seymourinternal-link-placeholder-0]*ang fumble ni QB Philip Rivers, pagkaraan na ma-sack siya ni DE [Matt Shaughnessyinternal-link-placeholder-0] *. Sa kanilang 19 nag-take over ang Raiders. Na-sack si Gradkowski at na-fumble ang bola. Parang naagaw ng Chargers ang bola at nadala ito sa loob ng teritoryo ng Raiders. Hinamon ng Raiders ang ruling ng fumble at pumanig sa kanila ang desisyon at nanatili ang bola sa Raiders. Nasaktan si Gradkowski sa pagka-sack at pinalitan siya ni Jason Campbell bilang quarterback. Hindi na umabante ang Raiders at nag-punt si Lechler na ibinalik naman ni Sproles sa San Diego 23.

Nagmarka na rin sa scoreboard ang Chargers nang kumunekta si Rivers kay TE Antonio Gates para sa 19 yarda na TD. Pumasok din ang PAT at ang lamang ng Raiders ay naging 12-7 sa 10:07 ng orasan ng 2nd kuwarter.

Sa kasunod na kickoff, na-fumble ni WR [Jacoby Fordinternal-link-placeholder-0]* *ang bola pero na-recover din ng Raiders sa kanilang 36. Three and out muli ang Raiders at nag-punt si Lechler at nag-fair catch si  Sproles sa Chargers 19.

Gayundin na napigil ng Raiders ang Chargers sa three and out pero na-penalty ang Raider sa "roughing the punter" kaya binigyan ng first down ang San Diego. Sa sumunod na 8 play, umabante ang Chargers ng 81 yarda, at si Tolbert ay nakatakbo ng 5 yarda para sa touchdown. Pumasok din ang PAT at lumamang ang Chargers ng 14-12 sa 4:49 ng 2nd kuwarter.

Sa kasunod na kickoff, ibinalik ni Ford ang bola sa Raiders 33. Nanguna muli ang Raiders nang ipasok ni Janikowski ang 30 yarda na field goal para sa iskor na15-14. Nguni't bumawi ang Chargers ng isang 43 yarda na field goal ni K Nate Kaeding at balik-lamang ang San Diego ng 17-15 sa huling sandali ng 2nd kuwarter.

Muling na-three and out ang Raiders at napuersa nila na mag-punt ang Chargers pero sa sumunod na atake nabigo sila sa pag-convert ng 4th and 2 sa San Diego 37. Paghawak ng bola ng Chargers, kumunekta si Rivers kay WR Malcolm Floyd para sa 41 yarda na TD pass at dagdag dito ang extra point ni Kaeding, ay lumaki ang lamang ng Charger sa 24-15.

Sumugod ng 12 play ang Raiders at sumulong ng 97 yarda. Kumunekta si Campbell kay TE [Zach Millerinternal-link-placeholder-0]* *para sa 1 yarda na TD pass. Hinamon ng San Diego ang touchdown pero ito ay pinatibay ng referee. Pumasok ang extra point at lumapit ang Raiders sa lamang ng San Diego sa 24-22 sa 3rd kuwarter. Ang kasunod na kickoff ay na-touchback.

Umabot ng 9 play at 63 yarda ang sumunod na atake ng Chargers at pumasok ang 34 yarda na field goal ni Kaeding kaya lumaki muli ang lamang ng Chargers sa 27-22 sa 12:00 sa orasan ng 4th kuwarter.

Sa sumunod na atake ng Raiders, sumulong sila ng 14 play at 73 yarda bago tinakbo ni RB Michael Bush ang 3 yarda para sa TD. Kapalit ng extra point, nagtangka ng two-point conversion ang Raiders pero nabigo sila ganoon pa man sapat na lumamang sila ng 28-27 sa nalalabing 3:39 ng laro.

Nang umatake muli ang Chargers, na-sack ni [Michael Huffinternal-link-placeholder-0]* *si Rivers at na-fumble ang bola na pinulot naman ni Tyvon Branch at kanyang dinala ng 64 yarda para sa matagumpay na TD. Binigo ng depensa ang sumunod na atake ng Chargers, at lumuhod na lamang si Campbell upang ubusin ang orasan para sa matagumpay na comeback.

Gumana sa 2-3 ang rekord sa season ng Raiders at sila ay dadayo sa ibayo ng Bay Bridge upang harapin ang  [**

**](http://www.sf49ers.com/) sa darating na Linggo.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising