Skip to main content
Raiders
Advertising

Sinindak ng Raiders ang Chiefs 13-10 sa Arrowhead

092009mcfadden-story2.jpg


Si RB [Darren McFaddeninternal-link-placeholder-0] ang umiskor ng touchdown para sa Oakland Raiders at nagbigay ng lamang na hindi na pinakawalan ng Pilak at Itim upang talunin ang [**

**](http://www.kcchiefs.com/) 13-10 sa Arrowhead Stadium sa Linggo 2 ng aksiyon sa NFL sa 2009 season.

Nagwagi ang Raiders sa panimulang coin toss at pinili nilang mag-receive. Ibinalik ng 19 yarda ni RB [Louis Rankininternal-link-placeholder-0] ang kickoff ni K Ryan Succop at ibinaba sa Raiders 20 at dito nagsimula ang opensa ng Raiders sa pamumuno ni [JaMarcus Russellinternal-link-placeholder-0] bilang quarterback. Hindi umabante ang atake ng Raiders at nag-punt si [Shane Lechlerinternal-link-placeholder-0] . Si Bobby Wade ng Chiefs ang nagbalik sa 66 yarda na punt ni Lechler at dinala ang bola ng 6 yarda hanggang sa kanilang 16 yardline.

Isang first down ang pinalusot ng Raiders at bumigay ng 16 yarda lamang bago pinuwersang mag-punt ang kalaban. Si DE [Trevor Scottinternal-link-placeholder-0] at DT [Gerard Warreninternal-link-placeholder-0] ang bumuwag ng pasa sa 3rd and 7. Si [Hiram Eugeneinternal-link-placeholder-0] ang sumalo at humingi ng fair catch sa punt ni P Dustin Colquitt at nag-take over ang Raiders sa kanilang 24.

Sa kanilang pangalawang posesyon, ang Raiders ay muling na-three-and-out at nag-punt si Lechler. Si Wade ang nagbalik sa 70 yarda na punt ni Lechler at dinala sa Kansas City 21. Umabante ng 74 yarda sa 17 play ang Chiefs at sinipa ni Succop ang field goal mula sa 23 yarda. Naubos nang mahigit sa 9:00 minutos ang posesyon na ito. Nag-lead ang Chiefs ng 3-0 sa 2:01 sa orasan ng 2nd kuwarter.

Tinangka ng Chiefs ang onside kick upang sorpresahin ang Raiders, pero lumabas sa linya nang ma-rekober nila ang bola, kaya nag-take over ang Raider sa Kansas City 40. Hindi pa rin naka-abante ang Raiders kaya muling nag-punt si Lechler at ito ay mahaba kaya na-touchback. Nagsimula ang atake ng Kansas City sa kanilang 20.

Binawian ng depensa ng Raiders at three-and-out din ang Chiefs. Tumalbog ang punt ni Colquitt sa isang manlalaro ng Raiders at patungo ito sa goal line ng ma-rekober ni LB [Jon Alstoninternal-link-placeholder-0] . Nag-take over ang Raiders sa kanilang 10 yardline.

Ang atake ng Raiders ay umabot ng 12 play at gumana ng 58 yarda bago sumipa ng field goal si K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0] at itinabla ang game sa 3-3 sa 4:45 sa orasan ng 2nd kuwarter. Inabot ng 6:49 minuto ang atakeng ito.

Muling dinepensahan ng Raiders ang Chiefs sa isang first down lamang bago sila napilitang nag-punt. Nag-fair catch si Eugene sa 41-yarda na punt at sa Oakland 20 nagsimula ang opensa ng Raiders pero three-and-out sila at nag-punt si Lechler.

Ang 53 yarda na punt ni Lechler ay sinalo ni Wade at dinala ito sa Chiefs' 29. Umabante ang Chiefs sa loob ng teritoryo ng Raiders pero hind sila naka-iskor at natapos ang first half na tabla ang iskor sa 3-3.

Sa 2nd half, ang panimulang sipa ni Janikowski ay na-touchback. Umatake ang Chiefs pero pagkaraan ng ilang play, naagaw ni safety [Michael Huffinternal-link-placeholder-0] ang pasa ni QB Matt Cassel at dinala ang intersepsiyon sa Chiefs 49. Ipinasok ni Janikowski ang 54-yarda na field goal at lumamang ang Raiders ng 6-3 at meron pang 8:33 minuto ang 3rd kuwarter.

Si Janikowski pa rin ang sumipa ng kickoff pero umabot muli sa endzone kaya touchback na naman. Mula sa Chiefs 20, umabante sila pero dahil sa mga penalty nahinto ang atake at nag-punt si Colquitt . Ang 55-yarda na punt ay tumalbog sa dulo ng field at nag-umpisa ang opensa sa Raiders 20.

Humirit muli si Huff ng isa pang intersepsiyon nang dinayb niya ang bola habang umaatake ang Chiefs sa loob ng teritoryo ng Raiders. Sa kanilang 6 yardline nagsimula ang Pilak at Itim. Napuwersang mag-punt ang Raiders nang matapik ni DT Glenn Dorsey ang bola sa 3rd down screen pass. Pagkatapos ng punt nagsimula ang Kansas City sa kanilang 39.

Sa 3rd down, pinabagsak ni DE [Greg Ellisinternal-link-placeholder-0] ang pinuno ng Chiefs. At pumalpak ang punt ni Colquitt nang makuha ni rookie safety [Mike Mitchellinternal-link-placeholder-0] ang bola sa Raiders 18. Gumana ang Raiders ng isang first down bago napuwersang mag-punt. Sinalo ni Wade ang 55 yarda na punt ni Lechler at dinala ito sa Kansas City 27.

Umabante ang Chiefs at kumunekta si Cassel kay WR Dwayne Bowe para sa isang 29-yarda na touchdown at lumamang ang Chiefs ng 10-6 at meron 2:38 minuto na lamang ang nalalabi sa game.

Sumagot agad ang opensa ng Raiders at pagkaraan ng 9 play ay umabante sila ng 69 yarda at dito tinampukan ni McFadden ang atake nang lumusot siya ng 5 yarda para sa TD. Kasama ang extra point ni Janikowski ay nagbalik ang lamang sa Raiders, 13-10 at meron 1:07 minuto na lamang.

Ang kickoff ay na-touchback pero hindi na nagpabaya ang depensa ng Raiders sa mga atake ng Chiefs at binuwag nila ang 4 and 5 na pasa ni Cassell. Sa kanilang posesyon ay lumuhod na lamang si Russell ng tatlong beses upang manigurado sa tagumpay ng Pilak at itim.

Gumanda ang rekord ng Raiders sa 1-1 sa 2009 season na ito at sa susunod na Linggo ay haharapin nila ang [**

**](http://www.denverbroncos.com/) sa Oakland-Alameda County Coliseum.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising