Ang Ugnayan ng NFL at NFL Players Association at USA Football at Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at National Athletic Equipment Reconditioners Association (NAERA) at NCAA at National Operating Committee on Standards for Athletic Equipment (NOCSAE) at Sporting Goods Manufacturers Association (SGMA) at Rawlings at Riddell at Schutt at Xenith ay supurtado ng U.S Consumer Product Safety Commission
Bilang bahagi ng kanilang pangako sa kaligtasan ng mga players, isang samahan ng mga organisasyon sa putbol at mga tagagawa ng kagamitan sa putbol ay sumang-ayon sa isang kaunanahang ugnayan upang lumikha ng programang magbibigay ng kaligtasan sa paglalaro ng putbol sa pagpapalit ng bagong helmet para sa kabataan ng mga maralitang komunidad. Ang palatuntunan na ito ay magbabasura ng lumang helmet na mahigit 10 taon, at magpapalit ng bagong helmet na libre para sa mga nabenepisyohang liga at magtuturo ng mga coach tungkol sa pinakabagong impormasyon kung paano mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataang manlalaro.
Ang Oakland Raiders ay isa sa anim na napiling NFL teams na kasapi sa paglunsad ng palatunanan, at ito ay uumpisahan din sa Gulf Coast region, sa Northern Ohio, at sa tri-state region sa paligid ng New York City. "Nasisiyahan kaming makisama sa NFL sa bagong Helmet Replacement Program at nagagalak kami na mabibigyan ang ating lokal na komunidad," sabi ng Oakland Raiders Chief Executive Amy Trask.
Ang NFL, NFLPA, NCAA at NOCSAE ay nangako na magbigay ng $1 million para sa programa sa unang taon. Ang pilotong palatuntunan ay maghahatid ng napakahalagang impormasyon tungkol sa kondisyon ng mga helmet na mahigit 10 taon na ginagamit pa. Ngayon 2012, hindi na mag-rerekondisyon ang NAERA o mag-certify ng anumang mahigit sa sampung taon na helmet. Kokolektahin ng NOCSAE ang mga lumang helmet at gagamitin sa kanilang research programs.
Ang USA Football, ang pambansang namamahala sa putbol, at ang Official Youth Football Development Partner ng NFL at NFLPA ay mangunguna sa pagsagawa ng palatuntunan. Ang mga ibang partner sa palatuntunan ay ang NFL, NFL Players Association, CDC, NAERA, NCAA, NOCSAE at SGMA. Ang mga gumagawa ng helmet na sina Rawlings, Riddell, Schutt, at Xenith ay magbibigay ng diskuwento. Upang malaman pa ang iba o di kaya mag-apply ng helmet, pumunta sa www.usafootball.com/playersafety Ang palatuntunan ay inumpisahan ni INEZ TENENBAUM, ang CPSC Chairman, at inaasahang matuturuan ang libo-libong mga coach tungkol sa kalusugan at kaligtasan, at mabibigyan ng 13,000 na bagong helmet ang mga kabataang manlalaro sa mga maralitang komunidad sa 2012. Sisimulan ang pagbibigay ng helmet sa Hulyo.