Nakapuslit si S John Clements (7) ng kanyang ikatlong intersepsiyon sa season. Photo by Schellhorn.
Ang SWARCO Raiders, ang ka-teammate sa kalakal ng Oakland Raiders, ay humirit ng pangatlong sunod-sunod na panalo sa umpisa ng 2011 Austrian Football League (AFL) season. Katatapos na magwagi sila sa Graz, ang Raiders ay muling nagdiwang ng tagumpay sa iskor na 38-7 (7-0; 14-0; 7-7; 10-0) laban sa Prague Panthers.
Bagama't malakas ang hangin, gumawa si QB Kyle Callahan ng 4 na touchdowns. Nakumpleto niya ang 11 sa 22 pasa para sa 183 yarda, kasama ang dalawang TDs at tatlong intersepsiyon. Gumana rin siya ng 62 yarda sa 7 pagdadala ng bola sa pag-iskor ng dalawang TD. Si RB Florian Grein ay nagdala ng 9 beses para sa 40 yarda para sa isang touchdown. Nakasalo din siya ng isang pasa at ito ay naging touchdown din. Tatlong pasa ang nasalo ni WR Christian Willi para sa 47 yarda. Gumana rin ng kabuuang 121 yarda si WR Talib Wise na kabilang sa opensa at special teams at umsikor din ng isang touchdown.
Sa susunod na Linggo, Abril 17, ay ikatlong sunod-sunod na pagdadayo ng SWARCO Raiders nang lalaruin nila ang Raiffeisen Vikings sa Vienna.