Tinalo ng [**
ay naka-agaw ng fumble bilang unang recovery niya sa NFL.
Nanalo sa opening coin toss ang Denver pero ipinaliban ang pagpili ng pag-receive sa second half. Kaya nag-receive and Oakland at ang pumosisyon sa pagsalo ng kickoff ay ang bagong player na galing sa practice squad at ginawang wide receiver na si defensive back [Jonathan Holland . Sinalo ni Holland ang sipa ni K Matt Prater sa loob ng end zone at lumuhod siya. Sa 20 yardline sila nag-umpisa sa pangunguna ni QB [JaMarcus Russell . Na-three-and-out ang Raiders at nag-punt si P [Shane Lechler .
Ibinalik ni WR Eddie Royal ang 47-yarda na punt ni Lechler sa Denver 31. Umabot ang mga Broncos sa Raiders 1 at sa 4th and goal, binara ni LB [Kirk Morrison ang maydala ng bola at ang Pilak at Itim ay nag-take over on downs.
Pagkaraan ng dalawang play, ang mahabang pasa ni Russell patungo kay rookie WR [Darrius Heyward-Bey ay naagaw ni Renaldo Hill at dinala ang bola sa Raiders 23. Umiskor ang Denver nang pasahan ni Kyle Orton si WR Brandon Marshall para sa 2-yarda na TD. Pumasok ang sinipang extra point ni Prater at lumamang ang Denver ng 7-0 at meron 2:07 minuto pa ang 1st kuwarter.
Na-touchback ang kickoff ni Prater, at mula sa kanilang 20 ay umatake ang Raiders. Gumawa ng dalawang magandang pagtakbo si RB [Darren McFadden isa rito ay gumana ng 15-yarda, pero na-intersep ni Andre Goodman ang kasunod na pasa ni Russell at dinala niya ang bola sa Raiders 34.
Na-three-and-out ng Raiders ang Broncos, subalit sa layo ng 48 yarda, ay naipasok ni Prater ang field goal kaya sa katapusan ng 1st kuwarter lumamang ang Broncos ng 10-0.
Ang kickoff ay muling sinalo ni Holland mula sa end zone at dinala niya ng 19 yarda sa Raiders 14. Umabante ang Raiders at sa loob ng 12-play at 8:23 sa orasan gumana sila ng 56-yarda at mula sa 48-yarda ipinasok ni K Sebastian Janikowski ang field goal. Nakaltasan ang lamang ng Broncos sa 10-3 at meron pang 6:37 ang 2nd kuwarter.
Sa Denver 22 nagsimula ang atake ng Broncos, at sa sumunod na 11 play ay umabante sila ng 76 yarda hanggang sa Raiders 3. Ipinasok ni Prater ang 21-yarda na field goal at lumaki ang lamang ng Broncos sa 13-3 at meron na lang 1:09 sa 2nd kuwarter. Hindi na gumana ang Raiders at pumasok sa locker room sa halftime na dehado sa iskor na 13-3.
Nag-receive ang Broncos sa second half kickoff. Kahit na bahagyang nahirapan si Royal sa pagsalo ng kickoff gumana pa rin ang atake nila ng 80 yarda sa loob ng 8 play at umiskor ng 7-yarda na TD. Kasama ang extra point ay lumayo ang iskor ng Denver, 20-3 at meron pang 10:57 sa 3rd kuwarter.
Umatake ang Raiders pero umabot lang sa midfield bago sila nag-punt. Nag-fumble ang Broncos at na-rekober ang bola ni rookie safety Mike Mitchell sa Denver 16. Nag-take over ang Raiders at pagkaraan ng dalawang play, nag-fumble rin sila sa kanilang 5 at narekober ng Denver ang bola. Nang matapos ang drive ng Denver na umabot ng 88 yarda sa 16 play, umiskor sila ng field goal kaya ang lead ng Broncos ay naging 23-3, at meron pang 11:57 sa 4th kuwarter.
Ang mga sumunod na posesyon ng bawat team ay punong-puno ng penalty at ang punt ni Lechler ay nag-out of bounds sa Oakland 49 na doon nag-take over ang Denver. Subali't na-three-and-out ang Broncos sa mahigpit na depensa ng Raiders at sa 8:13 ng laro, umatake ang Raiders mula sa kanilang 20.
Nabawian sila ng Broncos ng three-and-out din at ang 54 yarda na punt ni Lechler ay dinala sa Denver 44. Isa na naman three-and-out ang pinuwersa ng depensa ng Raiders. Si WR [Johnnie Lee Higgins ang sumalo sa sumunod na punt at kanyang dinala ang bola sa Oakland 24.
Hindi pa rin nakapuntos ang Raiders at pumalpak sila sa 4th and 5 kaya na-turn over ang bola sa Broncos. Umatake ang Denver at pumasok sila sa Raiders 18 nang masalo ni Marshall ang 17 yarda na pasa ni Orton. Lumuhod na lang si Orton at inubos na ang oras.
Bumaba ang rekord ng Raiders sa 1-2 at sa susunod na linggo ay dadayo sila sa Houston upang kalabanin ang Texans sa Reliant Stadium sa ika-apat na linggo ng aksiyon sa 2009 Regular Season.