Sinalo ni WR[Denarius Mooreang 49-yarda na inihagis ni QB[Carson Palmer. Photo by Tony Gonzales.
Nanalo ang Falcons sa pambungad na coin toss at pinili nilang mauna na tumanggap ng bola. Sinipa ni K Sebastian Janikowski ang opening kickoff at lumipad ito sa likod ng endzone para sa touchback. Nag-umpisa ang Falcons sa kanilang 20 at si Matt Ryan ang quarterback. Nasunggaban ni CB Joselio Hanson ang bola at ito ang unang intersepsiyon ng Raiders sa season na ito. Dinala ito ni Hanson sa Atlanta 41, at doon nagsimula ang Raiders at si Carson Palmer ang quarterback.
Nag-fumble si RB Darren McFadden at narekober ang bola ng Falcons at dinala ito sa Oakland 32. Napigil ng Raiders ang Falcons sa three-and-out at sumipa si K Matt Bryant ng field goal mula sa 43 yarda. Nagmintis ng malayo sa kaliwa ang sipa kaya nag-take over ang Raiders sa kanilang 33.
Natigil ang paglusob ng Raiders sa Atlanta 40 at nag-punt si P Shane Lechler. Lumampas sa end zone ang bola at sa kanilang 20 nagsimula ang Falcons.
Matapos ang ilang play, naintersep ni FS Michael Huff ang bola nang maagaw niya ang mahabang pasa ni Ryan sa loob ng teritoryo ng Raiders. Sa yarda 2 nagsimula ang Raiders. Isang mala-bomba na pasa ni Palmer kay WR Denarius Moore ang umabot sa Atlanta 49. Nahinto ang drive ng Raiders sa Atlanta 33 at sumipa si Janikowski ng 52-yard na field goal. Naunang lumamang ang Raiders ng 3-0.
Bumawi si Ryan at dinala niya ang Falcons na sumugod ng 80 yarda sa loob ng 10-play at tinapos niya ng isang 4-yarda na pasa kay WR Roddy White para sa TD. Kasama ang extra point at lamang ang Falcons ng 7-3 sa 9:51 ng orasan ng 2nd kuwarter.
Sinalo ni RB Mike Goodson ang kasunod na kickoff ni P/K Matt Bosher na touchback naman. Mula sa kanilang 20, sumagot din ang Raiders ng mahabang atake, at tinapos ito ni Janikowski ng 22 yarda na field goal. Nabawasan ang lamang ng Falcons sa 7-6 sa 4:11 ng 2nd kuwarter.
Pagkaraan ng touchback sa kasunod na kickoff, naintersep ni SS Tyvon Branch ang bola kaya ang Raiders ay nag-take over sa Atlanta 28. Parang kidlat na sumugod si Palmer at pagkaraan ng dalawang play lamang ay asintadong pinasahan niya si Moore ng TD mula sa 25-yarda. Pumasok din ang extra point at nabawi ng Raiders ang lamang sa 13-7 sa 1:50 ng 2nd kuwarter.
Pagkasalo ni RB Jacquizz Rodgers ng Falcons ang kasunod na kickoff, na-three-and-out sila ng depensa ng Raiders. Ang punt ay ibinaba sa Raiders 15 at kuntentong hinayaan ng Raiders ang iskor sa 13-7 papunta ng half time.
Sa 2nd half, na-three-and-out and simula ng Raiders at gayundin ang Atlanta. Pagkasalo ng punt ng Falcons, at dahil sa penalty nag-umpisa ang Raiders sa kanilang 10 yardline.
Nahinto ang atake ng Raiders sa kanilang 43 at nagsimula ang Falcons sa kanilang 30 dahil sa touchback at penalty ng Raiders. Sa Oakland 23 umabot ang pagsugod ng Falcons, at sumipa ng 41 yarda na field goal si Bryant kaya nabawasan ang lamang ng Raiders sa 13-10 sa 5:06 ng orasan ng 3rd kuwarter.
Ibinalik ni RB Mike Goodson ang kickoff ng 25 yarda sa Raiders 20. Sa mga kasunod na play, na-sack si Palmer at nahagilap ang bola sa kanya at nadala ito ng Atlanta sa Oakland 2. Dito nagpinakita ng katatagan ng depensa ng Raiders at hindi nakatawid ang Falcons sa endzone. Sumipa na lang sila ng 20-yarda na field goal, kaya nagtabla ang iskor sa 13-13 sa 2:31 ng 3rd kuwarter.
Hanggang sa midfield lang umabot ang atake ng Raiders at nag-fair catch sa punt ang Atlanta sa kanilang 10.
Napuersa ng Raiders ang punt ng Falcons. Gayundin na umabot sa punt ang atake ng Raiders. Na-touchback ang 51 yarda na punt ng Raiders.
Sa 3rd down, nahadlang ni Huff ang pasa para kay TE Tony Gonzalez at napuersa ng Raiders ang punt ng Falcons. Nag-fair catch si CB Phillip Adams sa Raiders 10. Subalit naagaw ni CB Asante Samuel ang pasa ni Palmer at tumakbo ng 79 yarda para sa touchdown. Kasama ang extra point ay lumamang ang Falcons ng 20-13 sa huling 2:40 ng laro.
Dahil sa touchback, nagsimula ang Raiders sa kanilang 20. Tumabla ang Oakland sa 2 yarda na pagtakbo ni McFadden para sa TD at extra point. Sumagot ang Atlanta at sa huling sandali ng laro ay sumipa ng 55 yarda na field goal si Bryant at nanalo ang Falcons ng 23-20.
Bumagsak ang rekord ng Raiders sa 1-4 at haharapin nila sa Oakland ang Jacksonville Jaguars sa darating na Linggo.