Skip to main content
Raiders
Advertising

Unang Tingin - Atlanta Falcons

first-look-falcons-story.jpg

Patungo ang mga Raiders sa Georgia Dome sa Atlanta upang sagupain ang Falcons sa Linggo 6. Nagsimulang maglaban ang dalawang team noong 1971 at 12 beses na silang nagharap, at lamang sa serye ang Raiders ng 7-5. Ang huling laban nila ay sa Oakland noong 2008 at bumagsak ang mga Raiders sa mga taga- NFC South. Ang huling panalo ng Pilak at Itim ay sa Oakland din noong 2000.

Ang Coach at kanyang rekord

Ito ang panglimang season ni Mike Smith bilang head coach ng Falcons. Sa kanyang nakaraang apat na season, dinala ni Smith ang Atlanta sa tatlong playoffs at bumuo ng 43-21 na rekord sa regular season. Bago siya nag-head coach, si Smith ay naging defensive coordinator ng Jacksonville Jaguars noong 2003-08. Dati siyang nagsilbi sa Baltimore Ravens sa mga taon 1999-2002 bilang defensive assistant/defensive line coach at isang taon siya na linebackers coach. Nag-coach din siya sa Tennessee Tech ng 12 na taon at hinawakan niya ang ibat-ibang posisyon na defensive line, special teams coordinator at defensive coordinator. Nagsimula si Smith na assistant coach sa San Diego State.

Huling limang Enkuentro

Huling nakasagupa ng Raiders ang Atlanta Falcons noong 2008, at masama ang resulta, nangamote sila sa Oakland ng 24-0. Gumawa ng 3.0 sacks at nakapuersa ng isang fumble ang depensa ng Raiders sa larong ito sa Linggo 9.

Dumayo ang Pilak at Itim sa Atlanta sa Linggo 14 ng 2004 pero nabigo ng 35-10. Nakasalo si FB Zack Crockett ng limang pasa para sa 20 yarda at siya ang umiskor sa nag-iisang TD ng Raiders.

Pinaghandaan ng Raiders ang Falcons noong 2000 at umiskor ng malaki sa kanilang panalo ng  41-14 noong Nobiyembre 26, 2000. Si QB Rich Gannon ay humagis ng 231 yarda at dalawang TDs. Sumugod si RB Tyrone Wheatley ng 12 beses para sa 85 yarda at isang TD. Si WR Tim Brown ay sumalo ng anim na pasa at isang TD at si WR James Jett ay nakahuli ng isang pasa na 84 yarda para sa TD. Anim na sack at isang intersepsiyon ang ginawa ng depensa ng Raiders.

Noong 1997, bumisita ang Raiders sa Atlanta sa Linggo 3 at nanalo ang Pilak at Itim ng 36-31. Nanguna si RB Napoleon Kaufman ng 140 rushing yards at dalawang TDs at si QB Jeff George ay pumasa ng 286 yarda at isang TD. Si TE Rickey Dudley ay nakahuli rin ng dalawang pasa para sa 90 yarda.

Noong Oktubre 23, 1994, tinalo ng Los Angeles Raiders ang Falcons ng 30-17. Pumasa si QB Jeff Hostetler ng 204 yarda at dalawang TD na parehong kay WR Tim Brown at bumuo siya ng 130 receiving yards. Dinagdag rin ni RB Harvey Williams ang 107 rushing yarda at isang TD at si DB Lionel Washington ay naka-intersep ng dalawang beses at ibinalik ang bola ng 34 yarda.

Mga Palabok sa Istorya

Si Jeff Fish ang Director of Athletic Performance ng Atlanta ay dating strength and conditioning coach ng Raiders noong 2004-2007.

Si Ray Hamilton, ang defensive line coach ng Falcons, ay nag-coach gayundin sa Raiders noong 1993-94.

Nag-aral si LB Travis Goethel at si OL Dan Knapp sa Arizona State at nakasama ang mga Falcons na si LB Robert James at RB Dimitri Nance.

Nagkasama-sama rin sa Clemson sina WR Jacoby Ford at DT Jamie Cumbie at mga Falcons na si TE Michael Palmer at P Dawson Zimmerman.

Si CB DeMarcus Van Dyke at TE Richard Gordon ay nag-aral sa Miami at kasama sila C Tyler Horn, K Matt Bosher at DT Micanor Regis ng Atlanta.

Si OL Lucas Nix ay kalaro ni Falcons LB Max Gruder sa Pittsburgh.

Makikita muli ni LB Carl Ihenacho and dating ka-teammate sa San Jose State ang mga Falcons na si CB Christopher Owens at CB Peyton Thompson.

Haharapin ni QB Carson Palmer at QB Matt Leinart ang dating ka-teammate sa USC na si LB Lofa Tatupu.

Parehong galing sa Texas si FS Michael Huff at DE Lamarr Houston at si Falcons G Justin Blalock.

Sa Wisconsin naglaro si DE Matt Shaughnessy at S Aaron Henry at gayundin sina Falcons FB Bradie Ewing, G Peter Konz at DE Louis Nzegwu.

Mga Pinili ng Falcons sa 2012 Draft

Rawnd

Pwesto

Ngalan

Paaralan

2

C

Peter Konz

Wisconsin

3

T

Lamar Holmes

Southern Mississippi

5

FB

Bradie Ewing

Wisconsin

5

DE

Jonathan Massaquoi

Troy

6

S

Charles Mitchell

Mississippi State

7

DT

Travian Robertson

South Carolina

Mga Tampok na Kinuha ng Falcons

LB Lofa Tatupu (Seahawks), CB Asante Samuel (traded from Eagles 2008-11, Patriots 2003-07), S Chris Hope (Titans 2006-11, Steelers 2002-05)

Linggo 6: Raiders sa Falcons, Linggo, Oktubre 14, Georgia Dome, CBS, aslas-10:00 n.u. PT.

Patuloy ang serye sa pagtingin sa pang-anim na kalaban ng Raiders, ang Jacksonville Jaguars.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising