Patungo ang Raiders sa Baltimore upang harapin ang Ravens sa Linggo 10 ng 2012. Ito ang pang-pitong enkuentro ng dalawang team, na nagsimula noong 1996. Lamang ang Ravens sa kanilang serye sa regular season, ng 5-1. Nakalaban ng Raiders ang Ravens sa championship ng AFC noong 2000 at natalo sila ng 16-3.
Linggo 10 – Linggo, Nobiyembre 11 | alas-10:05 n.u. PT
Ang Coach
Ang Ravens coach ay si John Harbaugh, na papasok na sa ika-limang season bilang head coach. Siya ang natatanging coach sa kasaysayan ng NFL na nakapagdala ng kanyang team sa playoffs sa kanyang apat na season at nakatala ng panalo bawat taon. Noong 2011, ang Ravens ay 12-4 ang record nang walisin nila ang dibisyon at undefeated sila sa kanilang istadyum, at natalo lamang sa New England Patriots sa AFC Championship game. Ang rekord niya sa regular season ay 44-20 at sa playoffs ay 5-4. Bago natamo ang kanyang puwesto ngayon, si Harbaugh ay special teams coordinator at coach ng defensive backs sa Philadelphia Eagles noong 1998-2007. Bago sa Eagles noong 1984-1997, si Harbaugh ay coach sa college at nagtagal siya bilang special teams coordinator sa University of Cincinnati. Kapatid niya si Jim Harbaugh na head coach ng 49ers, at ang ama niya ay kilalang college football player at collegiate coach.
Mga Dakilang Alaala sa Serye Nila
Huling nakaharap ng Raiders ang Ravens noong 2009 sa kanilang istadyum at nabigo sila sa iskor na 21-13. Gumawa ng 4.0 sack ang depensa sa pangunguna ni LB Kirk Morrison na rumekord ng siyam na tackles. Noong 2008, dumayo ang Pilak at Itim sa Baltimore at natalo rin ng 29-10 sa Linggo 8. Si RB Justin Griffith na ngayon ay Raiders offensive quality control ang nakasalo nang nag-iisang touchdown at si LB Kirk Morrison ay gumawa ng 11 tackles.
Noong Setiyembre 17, 2006, bumiyahe ang Raiders sa Baltimore pero natalo sila ng Ravens sa iskor na 28-6, at ang nag-iisang Raiders na pumuntos ay si K Sebastian Janikowski, sa dalawang field goals, kasama rito ang isang 51-yarder.
Noong 2003, natamo ang kaisa-isang panalo nila sa Ravens sa iskor na 20-12 sa kanilang istadyum. Si RB Zack Crockett ay umiskor ng isang rushing TD at si WR Jerry Rice ay nakasalo ng tatlong pasa para sa 48 yarda at isang TD. Gumawa ng 3.0 sack ang depensa pati ng isang intersepsiyon at dalawang napuersang fumble.
Sa Linggo 9 ng 1998 season, ang kapatid ni John na si Jim Harbaugh ay ang quarterback ng Ravens. Nabigo ang Pilak at Itim sa Baltimore ng 13-10. Si RB Napoleon Kaufman ay pumuslit ng16 beses para sa 79 yarda at si WR Rickey Dudley ay sumalo ng anim na pasa para sa 105 yarda at isang TD. Gumawa ng 4.0 sacks ang depensa ng Raiders at nakakuha din ng isang interception at nabawi ang 15 yarda.
Mga Palabok sa Istorya
Ang inside linebackers coach ng Ravens na si Don Martindale ay dating coach ng Raiders mula 2004-08.
Si LB Rolando McClain ay kasama sa Alabama defense ni Ravens LB Chavis Williams at NT Terrence Cody.
And dating QB Bruce Gradkowski ng Raiders ay kapatid ni Gino Gradkowski at nakuha ng Ravens sa 4th rawnd ng 2012 NFL Draft.
Si WR Darrius Heyward-Bey ay makakaharap ang mga dating ka-teammate sa Maryland ang mga wide receivers na si LaQuan Williams at Torrey Smith.
Naglaro si WR Rod Streater sa Temple at nakasama sila Ravens RB Bernard Pierce, QB Chester Stewart at TE Matt Balasavage.
Mga Pinili ng Ravens sa 2012 Draft | |||
Rawnd |
Puwesto |
Ngalan |
Paaralan |
2 |
LB |
Courtney Upshaw |
Alabama |
2 |
T |
Kelechi Osemele |
Iowa State |
3 |
RB |
Bernard Pierce |
Temple |
4 |
G |
Gino Gradkowski |
Delaware |
4 |
S |
Christian Thompson |
South Carolina State |
5 |
CB |
Asa Jackson |
Cal Poly |
6 |
WR |
Tommy Streeter |
Miami |
7 |
DE |
DeAngelo Tyson |
Georgia |
Mga Tampok na Bagong Kuha ng Ravens
CB Corey Graham (Bears), S Sean Considine (Panthers 2011, Cardinals 2011, Jaguars 2009-10, Eagles 2006-08), QB Curtis Painter (Colts), DT Ryan McBean (Broncos), WR Jacoby Jones (Texans), G Bobbie Williams (Bengals 2004-11, Eagles 2000-03), C Tony Wragge (Rams 2011, 49ers 2005-10, Cardinals 2002)
Ipagpapatuloy ang seryeng ito sa Unang Tingin sa New Orleans Saints.