Paghahandaan ng Raiders ang Tampa Bay Buccaneers sa Linggo 9 sa O.co Coliseum. Unang nagharap ang Raiders at Buccaneers noong 1976 at mula noon pitong beses pa lang sila nagkalaban. Lamang ang Pilak at Itim ng 6-1 sa kanilang all-time na serye sa regular season. Ang dalawang team ay nagharap din sa Super Bowl XXXVII ngunit nabigo ang Raiders sa Buccaneers ng 48-21.
Linggo 9 – Linggo, Nobiyembre 4 | ala-1:05 n.h. PT
Coach
Ang Buccaneers ay nasa ilalim ni bagong head coach Greg Schiano. Si Schiano ay nahirang na head coach noong Enero 2012 matapos na magsilbi na head coach sa Rutgers University ng 11 taon. Bago siya napunta sa Rutgers, si Schiano ay galing sa University of Miami bilang defensive coordinator (1999-2000), sa Chicago Bears bilang DB coach (1998) at defensive assistant (1996-97), at sa Penn State na DB coach (1991-96).
Huling limang enkuentro
Huling nagharap ang Raiders at Buccaneers sa Linggo 17 ng 2008 season. Linggo noong Disyembre 28 nang talunin ng Raiders ang Buccaneers sa Tampa Bay ng 31-24. Si RB Michael Bush ay bumuo ng I77 yarda sa 27 na pagdala ng bola at umiskor ng dalawang TD. Sila WR Johnnie Lee Higgins at Chaz Schilens ay gumawa din ng tig-iisang touchdown.
Noong 2004, punong-abala ang Raiders sa Buccaneers sa Oakland ng talunin nila ang Tampa Bay ng 30-20. Tumakbo si RB Tyrone Wheatley ng 102 yarda at isang TD sa 18 na pagdala ng bola. Sumalo din ng 84 yarda si WR Jerry Porter. Si DB Charles Woodson naman ay nagtala ng limang tackle, isang sack at isang napuersang fumble.
Nang maglaban ang Raiders at Buccaneers sa Oakland noong 1999, blinangka nila ang Tampa Bay ng 45-0. Si RB Napoleon Kaufman ay sumugod ng 8 beses para sa 122 yarda at dalawang TD at si RB Tyrone Wheatley ay sumugod din ng 19 beses para sa 111 yarda at dalawa rin na TD. Si WR Tim Brown ay nakahuli ng apat na pasa para sa 47 yarda at isang TD.
Noong 1996, tinalo ng Tampa Bay ang Raiders sa iskor na 20-17 sa overtime sa Houlihan's Stadium. Kinumpleto ni QB Jeff Hostetler ang 15 sa 22 na pagpasa para sa 181 yarda at isang TD. Si RB Harvey Williams ay sumalo ng isang pasa para sa 18 yarda at isang TD. Si WR Tim Brown ay sumalo ng limang pasa para sa 89 yarda at si WR James Jett ay nakahuli ng tatlong pasa para sa 47 yarda at isang TD.
Noong 1993, tinalo ng Raiders ang Buccaneers sa Los Angeles Coliseum sa iskor na 27-20. Si QB Jeff Hostetler ay nagpukol ng 260 yarda at isang a TD. Nasalo ni WR Alexander Wright ang anim na pasa para sa 104 yarda at isang TD. Limang sack ang itinala ng depensa ng Raiders, kasama ang 1.5 ni Howie Long, 1.5 ni Greg Townsend at isa mula kay Chester McGlockton.
Mga Palabok sa Istorya
Si Buccaneers offensive assistant Jimmy Raye ay dating offensive coordinator ng Raiders sa ilalim ni head coach Norv Turner.
Makakaharap ng Raiders si dating special teams assistant Bob Ligashesky, na ngayon ay special teams coordinator ng Buccaneers.
Si WR Denarius Moore ay dating kalaro ni Buccaneers TE Luke Stocker sa Tennessee.
Ka-enkuentro ni FB Marcel Reece ang dating mga teammate niya sa University of Washington na si DE Daniel Te'o-Nesheim at LB Mason Foster.
Mga Pinili ng Buccaneers sa 2012 Draft | |||
Rawnd |
Pwesto |
Ngalan |
Paaralan |
1 |
S |
Mark Barron |
Alabama |
1 |
RB |
Doug Martin |
Boise State |
2 |
LB |
Lavonte David |
Nebraska |
5 |
LB |
Najee Goode |
West Virginia |
6 |
CB |
Keith Tandy |
West Virginia |
7 |
RB |
Michael Smith |
Utah State |
7 |
TE |
Drake Dunsmore |
Northwestern |
Mga Tampok na Manlalaro na Bagong Kuha ng Buccaneers
WR Vincent Jackson (Chargers), CB Eric Wright (Lions 2011, Browns 2007-2010), G Carl Nicks (Saints), QB Dan Orlovsky (Colts 2011, Texans 2010, Lions 2005 and 2008), T Jamon Meredith (Steelers 2011, Giants 2010, Lions 2010, Bills 2009-10), DT Amobi Okoye (Bears 2011, Texans 2007-2010), DT Gary Gibson (Rams 2009-11, Panthers 2007-08), WR Tiquan Underwood (Patriots 2011, Jaguars 2010), TE Dallas Clark (Colts), DE Wallace Gilberry (Chiefs), DE Jayme Mitchell (Browns 2011, Vikings 2006-10)
Itutuloy ang seryeng ito ng Unang Tingin sa Baltimore Ravens.