Punong abala ang Raiders sa O.co Coliseum sa Linggo 13 ng 2012 regular season laban sa Cleveland Browns. Nagsimulang maglaban sila noong 1970 at 19 beses nang nagharapan. Lamang ang Raiders sa kanilang serye ng 11-8, kasama ang panalo sa Linggo 6 noong nakaraang taon. Napanalo rin ng Raiders ang dalawang playoff na laban sa Browns - sa 1980 AFC Divisional Playoff, na kilala sa "Red Right 88" game, at sa 1982 AFC Wild Card Playoff.
Linggo 13 – Linggo, Disyembre 2 | O.co Coliseum| Ala-1:25 n.h. PT | CBS
Ang Coach
Ang coach ng Browns ay si Pat Shurmur, na papasok na sa kanyang pangalawang season sa Cleveland. Sa kanyang unang season na head coach, nagtapos ang Browns sa 4-12. Bago siya nahirang na head coach noong Enero 2011, si Shurmur ay offensive coordinator ng St. Louis Rams (2009-10), quarterbacks coach ng Philadelphia Eagles (2002-08), tight ends/offensive line coach ng Eagles (1999-01), offensive line coach ng Stanford University (1998) at tight ends/special teams/offensive line coach ng Michigan State (1990-97).
Huling Limang Enkuentro
Pinaghandaan ng Raiders ang Browns sa Week 6 ng 2011 at tinalo ang Cleveland ng 24-17 sa unang game sa Oakland pagkaraan ng pagpanaw ni Al Davis. Naibalik ni WR/KR Jacoby Ford ang kickoff ng 101 yarda para sa TD sa simula ng 2ndquarter at si RB Darren McFadden ay sumalo ng 91 receiving yarda at isang TD. Sa special teams, pineke ni P Shane Lechler ang isang punt at ibinato ang perpektong pasa kay TE Kevin Boss para sa TD.
Nabigo ang Raiders ng 23-9 sa Browns sa Linggo, Disyembre 27, 2009 sa Cleveland Browns Stadium. Si K Sebastian Janikowski ang umiskor sa lahat ng puntos ng Raiders na puro field goal, kasama ang isang 61-yarder, na patas sa kanyang career-best noon. Sumalo rin si TE Zach Miller ng siyam na pasa para sa 110 yarda.
Sa Linggo 3 ng 2007 season, nanalo ang Raiders ng 26-24 sa kanilang istadyum. Sumugod si RB LaMont Jordan ng 29 beses para sa 121 yarda at isang TD at si WR Ronald Curry ay sumalo ng tatlong pasa para sa 62 yards at isang TD. Ipinasok ni K Sebastian Janikowski ang apat na field goal at si FS Michael Huff ay gumawa ng limang tackle.
Naglaban sila sa Linggo 4 ng 2006 season sa Oakland at bumagsak ang Raiders ng 24-21. Dinala ni RB LaMont Jordan ang bola ng 20 beses para sa 128 yarda at isang TD. Gumana si RB Justin Fargas ng 54 yarda sa tatlong pagdadala at si S Stuart Schweigert ay nanguna sa team ng siyam na tackle.
Sa Oakland sila naglaban sa Linggo 15 ng 2005, at natalo ang Pilak at Itim ng 9-7, kahit na nagtala ng 132 rushing yards at 40 receiving yards si RB LaMont Jordan.
Mga Palabok sa Istorya
Si Dwaine Board, ang defensive line coach ng Browns ay dating defensive line coach ng Raiders noong 2009.
Si Mike Wilson, ang wide receivers coach ng Cleveland ay galing din sa Raiders bilang wide receivers coach noong 1995-96.
Si Browns K Phil Dawson ng Browns ay isang undrafted free agent ng Raiders noong April 1998.
Si NT Travis Ivey ay naglaro ng isang game para sa Browns noong 2010 at inilista siya na meron isang tackle.
Makikita muli ni LB Travis Goethel ang dating ka-teammate sa Arizona na si OL Shawn Lauvao ng Browns.
Si WR Juron Criner ay kasama ni CB Trevin Wade ng Browns sa Arizona.
Magkasama rin si WR Darrius Heyward-Bey at TE Dan Gronkowski sa Maryland.
Dating ka-teammate sa Miami nila CB DeMarcus Van Dyke at TE Richard Gordon ang 4th round pick ng Browns na si WR Travis Benjamin.
Magkakasamao sa Penn State sila OL Stefen Wisniewski, DE Jack Crawford, LB Nathan Stupar at S Chaz Powell at ang mga Browns na sila WR Jordan Norwood at DL Scott Paxson.
Magkikita muli si WR Denarius Moore at RB Montario Hardesty, na dating magkalaro sa Tennessee.
Makakaharap ni QB Matt Leinart ang dating teammate sa USC na si DE Frostee Rucker.
Mga Pinili ng Browns sa2012 Draft | |||
Rawnd |
Pwesto |
Ngalan |
Paaralan |
1 |
RB |
Trent Richardson |
Alabama |
1 |
QB |
Brandon Weeden |
Oklahoma State |
2 |
T |
Mitchell Schwartz |
California |
3 |
DT |
John Hughes |
Cincinnati |
4 |
WR |
Travis Benjamin |
Miami |
4 |
LB |
James-Michael Johnson |
Nevada |
5 |
OL |
Ryan Miller |
Colorado |
6 |
LB |
Emmanuel Acho |
Texas |
6 |
DL |
Billy Winn |
Boise State |
7 |
CB |
Trevin Wade |
Arizona |
7 |
TE |
Brad Smelley |
Alabama |
Supplemental |
WR |
Josh Gordon |
Baylor |
Mga Tampok na Kinuha ng Browns
DE Frostee Rucker (Bengals), DE Juqua Parker (Eagles 2005-11, Titans 2001-04).
Tatapusin ang serye sa Carolina Panthers.