Skip to main content
Raiders
Advertising

Unang Tingin - Cowboys Laban sa Raiders

cowboys.jpg

Paghahandaan ng Raiders ang Cowboys sa Oakland at mapapanood ang laro sa Monday Night Football ng ESPN, alas-5:00 n.h. PT sa Agosto 13.

Kasaysayan ng Labanan nila

Noong 1974 unang nagharap sa regular season ang Oakland Raiders at Dallas Cowboys, at sa ngayon nangunguna ng 6-4 na panalo ang limang beses na kampeon ng Super Bowl na Cowboys. Tatlong Super Bowl na ang napanalunan ng Cowboys simula pa nang hawakan ni Jerry Jones ang pag-aari at pwesto ng general manager noong 1989.

Ito ang pang-28 beses na paghaharap ng Raiders at Cowboys sa preseason, at nakalalamang ng panalo ang Pilak at Itim ng 18-9 sa kanilang serye. Ang huling preseason labanan nila ay ginanap sa Oakland noong 2009.

Ang Cowboys Coach

Si Jason Garrett, na nasa ikalawang season na head coach, ay ang pangwalong head coach sa kasaysayan ng Cowboys. Dinala ni Garrett ang team sa record na 8-8 noong 2011 at gayundin sa kalahati ng 2010  nang gabayan niya bilang interim head coach, ang Cowboys sa record na 5-3.

Huling Limang Preseason Games

Agosto 12, 2010: Dumayo ang Raiders sa Dallas at doon tinalo nila ang Cowboys ng 17-9. Sa umpisa nalamangan sila ng 9-0, pero sa 4th quarter umiskor ng 17 puntos ang Raiders , at di nasagot ng Cowboys.

Agosto 13, 2009: Pinaghandaan ng Raiders ang Cowboys at tinambakan nila ng 31-10. Pumuslit si RB Darren McFadden ng 63 yarda, kasama rito ang 45-yarda na arangkada.

Agosto 21, 2004: Dumayo ang Dallas at nahigitan sila ng Raiders sa iskor na 21-20 nang sumipa si K Sebastian Janikowski ng 23-yarda na field goal at lumamang sa 2 extra point.

Agosto 28, 2003: Tinalo ng Cowboys ang Raiders, 52-13 sa Texas Stadium sa Irving, Tx.

Agosto 8, 2002: Bumiyahe ang Raiders sa Dallas at bumagsak sila ng 20-6 sa Texas Stadium sa Irving, Tx.

Mga Palabok sa Istorya

Ang match-up sa preseason ng Raiders vs. Cowboys sa Monday Night Football ay ang unang laro ni Dennis Allen bilang head coach, mula nang nahirang siya na Raiders head coach noong Enero 30, 2012. Ito rin ang unang laro ni Jason Tarver bilang NFL defensive coordinator. Hinirang ng Raiders si Tarver, na dating co-defensive coordinator sa Stanford, noong Pebrero 6, 2012. Samantala, tatlong dating coach ng Raiders ay ngayon nasa staff ng Cowboys - Rob Ryan, Bill Callahan at Skip Peete. Dating Raiders QB na si Wade Wilson ay nasa coaching staff din ng Cowboys.

Mga Piniling Players ng Cowboys sa 2012 Draft

Rawnd

Pwesto

Ngalan

Paaralan

1

CB

Morris Claiborne

LSU

3

DE

Tyrone Crawford

Boiste State

4

LB

Kyle Wilbur

Wake Forest

4

S

Matt Johnson

Eastern Washington

5

WR

Danny Coale

Virginia Tech

6

TE

James Hanna

Oklahoma

7

LB

Caleb McSurdy

Montana

Mga Tampok na Free Agent Signings ng Cowboys

CB Brandon Carr, dating sa Kansas City Chiefs
QB Kyle Orton, galing sa Kansas City Chiefs at Denver Broncos
FB Lawrence Vickers, dating sa Houston Texans
S Brodney Pool, galing sa New York Jets
LB Dan Connor, dating sa Carolina Panthers

Raiders vs. Cowboys, Lunes, Agosto 13, ESPN Monday Night Football
Ticket Info | Preseason Live

Itutuloy ang seryeng ito at aming tatalakayin ang Arizona Cardinals sa Miyerkules at ang Detroit Lions sa Biyernes.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising