Skip to main content
Raiders
Advertising

Unang Tingin - Denver Broncos

071312-firstlooks-broncos.jpg


Sa Linggo 4 ng 2012 regular season, patungo ang Raiders sa Denver upang sagupain ang karibal sa AFC West, ang Broncos. Sa Linggo 14 naman, paghahandaan sa O.co Coliseum ng Pilak at Itim ang Broncos at mapapanood ang laro sa Thursday Night Football ng NFL Network. Nag-hati ang Raiders at Broncos sa kanilang serye noong 2011, parehong nanalo sa pagdayo at natalo sa kanilang istadyum. Nakalalamang ang Raiders ng 59-42-2 sa kanilang all-time na serye. Unang nagharap ang dalawang team nang sila ay miyembro ng American Football League noong 1960. Dalawang beses na silang naglaban sa playoffs, at parehong nanalo ng isang game.

Ang Coach at kanyang rekord

Si John Fox ay papasok sa kanyang pangalawang season sa Broncos bilang head coach. Dinala ni Fox ang Denver sa kanilang unang titulo sa AFC West title sa 8-8 na rekord noong 2011 at tinalo ng Broncos ang Pittsburgh Steelers sa AFC Wild Card game bago sila bumagsak sa New England Patriots sa Divisional Playoffs. Bago humantong sa puwesto niya sa Broncos, nagsilbi si Fox na head coach ng Carolina Panthers ng siyam na seasons. Apat na beses niyang dinala ang Panthers sa playoffs, kasama ng biyahe nila sa Super Bowl XXXVIII. Si Fox ay dating defensive coordinator ng Raiders noong 1994-95.

Huling limang enkuentro

Sa kanilang ikalawang laro laban sa Broncos noong 2011, natalo ang Pilak at Itim ng 38-24. Si QB Carson Palmer ay bumato ng 332 yarda at tatlong TD at si WR Jacoby Ford ay sumalo ng limang pasa para sa 105 yarda at isang TD, pero hindi napigil ng depensa si RB Willis McGahee ng Broncos, na siyang tumakbo ng 163 yarda at umiskor ng dalawang TD.

Bumiyahe ang Raiders sa Denver para sa kanilang unang laro sa 2011 regular season na kinober para sa Monday Night Football ng ESPN at mahigpit na lumaban upang manalo ng 23-20. Tumakbo si RB Darren McFadden ng 22 beses para sa 150 yarda at si FB Marcel Reece ay nakatatlong takbo para sa 23 yarda at isang TD. Si K Sebastian Janikowski ay sumipa ng 63-yarda na field goal, na siyang tumabla sa pinakamahabang field goal sa kasaysayan ng NFL. Si DT Richard Seymour ay gumawa ng dalawang sack at si S Matt Giordano ay nakapuersa ng fumble at nakaagaw ng isang pasa.

Nanalo ang Raiders sa dalawang enkuentro nila ng Broncos noong 2010. Tinalo ng Raiders ang Denver ng 39-23 sa Linggo 15, Linggo, Disyembre 19. Dinala ni RB Darren McFadden ang bola ng 20 beses para sa 119 yarda. Idinagdag ni FB Marcel Reece ang isang 73-yard touchdown at si K Sebastian Janikowski ay sumipa ng tatlong field goal, at sumipa rin siya ng kauna-unahang punt at ito ay na-fumble ng kabila at na-recover ng Raiders..

Ang unang paghaharap ng Pilak at Itim at Denver sa 2012 ay nagtala ng mga record para sa Oakland. Sa Linggo, Oktubre 24, umiskor ang Raiders nang pinakamarami nila sa kasaysayan ng team nang talunin nila ang Broncos, 59-14. Si RB Darren McFadden ay umiskor ng apat na touchdown, tatlong paglusot at isang pagsalo. Tumakbo siya para sa 165 yarda at sumalo ng dalawang pasa para sa 32 yarda. Si FB Marcel Reece ay sumalo din ng pitong pasa para sa 39 yarda at isang TD. Ang depensa ay gumawa ng isang intersepsiyon at tatlong napuersang fumble.

Naghati ng panalo ang Raiders at Broncos noong 2009, at nanalo ang Broncos sa pangalawang game nila sa Linggo 15 sa iskor na 20-19. Si RB Michael Bush ay lumusot ng 133 yarda at umiskor ng isang TD at idinagdag rin ni RB Darren McFadden ang 74 yarda. Sumipa si K Sebastian Janikowski ng 54-yarda na field goal at si SS Tyvon Branch ay gumawa ng 8 tackle.

Mga Palabok sa Istorya

Haharapin ni Raiders Head Coach Dennis Allen ang kanyang dating team sa kaunaunahang beses – dating  defensive coordinator siya ng Broncos sa 2011.

Makakalaban ng Raiders si QB Peyton Manning sa unang pagkakataon sa uniporme ng Broncos. Ang beterano ng 15 taon sa NFL ay nakakumpleto na ng 4,682 sa 7,210 na pasa para sa 54,828 yarda at 399 TD, lahat nito ay sa Indianapolis Colts.

Dapat itabi ni LB Carl Ihenacho ang kanyang pagmamahal sa kanyang nakababatang kapatid na si S Duke Ihenacho ng Broncos.

Si LB Travis Goethel at T Dan Knapp ay nagkasama sa Arizona State sa mga Broncos na si CB Omar Bolden, QB Brock Osweiler at WR Gerell Robinson.

Nag-abot sa Arizona rin sina WR Juron Criner at mga taga Broncos na si T Adam Grant at FB Chris Gronkowski.

Si WR Jacoby Ford ay nakasama ni wide-out Tyler Grisham sa Clemson.

Si WR Louis Murphy at si WR Andre Caldwell ng Broncos ay nagpartner na wide receiver sa Florida.

Si DT Richard Seymour ay galing sa depensa na kasama ni Denver CB Champ Bailey sa University of Georgia.

Si WR Darrius Heyward-Bey ay kasama naman sa opensa ni Broncos RB Lance Ball sa University of Maryland.

Si Rookie LB Miles Burris ay nakalaro sa San Diego State sila Broncos LS Aaron Brewer at RB Ronnie Hillman.

Mga Pinili ng Broncos sa 2012 Draft

Rawnd

Pwesto

Ngalan

Paaralan

2

DT

Derek Wolfe

Cincinnati

2

QB

Brock Osweiler

Arizona State

3

RB

Ronnie Hillman

San Diego State

4

CB

Omar Bolden

Arizona State

4

C

Philip Blake

Baylor

5

DT

Malik Jackson

Tennessee

6

LB

Danny Trevathan

Kentucky

Mga Tampok na Bagong Kuha ng Broncos

QB Peyton Manning (Colts), S Mike Adams (Browns 2007-11, 49ers 2004-06), WR Andre Caldwell (Bengals), CB Tracy Porter (Saints), TE Joel Dreessen (Texans 2007-11, Jets 2005), TE Jacob Tamme (Colts), QB Caleb Hanie (Bears), DT Justin Bannan (Rams 2011, Broncos 2010, Ravens 2006-09, Bills 2002-05), WR Brandon Stokley (Giants 2011, Seahawks 2010, Broncos 2007-09, Colts 2003-06, Ravens 1999-02), CB Drayton Florence (Bills 2009-11, Jaguars 2008, Chargers 2003-07), FB Chris Gronkowski (traded from Colts)

Linggo 4: Raiders at Broncos, Linggo, Setiyembre 30, Sports Authority Field sa Mile High, CBS, 1:05 n.h. PT.

Linggo 14: Raiders vs Broncos, Huwebes, Disyembre 6, O.co Coliseum. NFLN, 5:20 p.m. PT.

Ipagpapatuloy ang serye n gaming tatalakayin ang mga kalaban sa regular season, ang Atlant Falcons at ang Jacksonville Jaguars.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising