Skip to main content
Raiders
Advertising

Unang Tingin - Jacksonville Jaguars

firstlooks-jaguars.jpg


Punong-abala ang Raiders sa pagbisita ng Jacksonville Jaguars sa Linggo 7, Linggo, Oktubre 21 sa O.co Coliseum. Ang dalawang team ay unang nagkaharap noong 1996 at mula noon ay limang beses pa lang sila naglaban at lamang ang Jacksonville ng 4-1 sa panalo.

Ang Coach at kanyang rekord

Ang coach ng Jaguars ay si Mike Mularkey na nahirang na head coach noong Enero 2012. Siya ay napuesto pagkaraan ng apat na season bilang offensive coordinator ng Atlanta Falcons at malaking itinulong niya sa pagdala ng Falcons ng tatlong beses sa playoffs. Bago siya naging  offensive coordinator sa Atlanta, si Mularkey ay naging tight ends coach (2007) at offensive coordinator (2006) para sa Miami Dolphins. Naging head coach siya ng Buffalo Bills (2004-05) at nagtrabaho din siya sa Pittsburgh Steelers (1996-03) bilang tight ends coach at offensive coordinator. Naglaro si Mularkey ng siyam na taon sa NFL.

Huling Limang Enkuentro

Ang huling enkuentro ng Raiders at Jaguars ay ginanap sa Jacksonville noong Disyembre 12, 2010. Bagama't natalo ang Oakland sa Jaguars ng 38-31, si RB Darren McFadden  ay nagtala ng 209 kabuuang yarda (123 rushing, 86 receiving) at umiskor ng tatlong TD at si SS Mike Mitchell ay naka-intersep at si SS Tyvon Branch ay nanguna sa team sa tackle na anim.

Nagsumikap ng husto ang Raiders sa kanilang pagkabigo ng 49-11 sa Jaguars sa Jacksonville noong 2007. Si RB Dominic Rhodes ay pumuslit ng 27 beses para sa 115 yarda at si LB Thomas Howard ay gumawa ng pinakamaraming pitong tackle.

Pinaghandaan ng Oakland ang Jacksonville noong Enero 2, 2005 sa Linggo 17 ng 2004, pero natalo ng 13-6. Sumugod si RB Zack Crockett ng 21 beses para sa 134 yarda.

Natalo pa rin ang Raiders sa Jaguars ng 20-9 sa Oakland noong 1997. Sumalo si WR Tim Brown ng 14 na pasa para sa 164 yarda, at si RB Napoleon Kaufman ay sumugod ng 94 yarda at si QB Jeff George ay nagpukol ng 244 yarda at isang TD.

Sa unang sagupaan nila noong Linggo, Setiyembre 15, 1996, tinalo ng Raiders ang Jaguars ng 17-3. Nasalo niWR Tim Brown ang limang pasa para sa 60 yarda at umiskor ng isang TD at si DT Jerry Ball ay umintersep ng isang pasa at ibinalik niya ng 66 yarda para sa TD.

Mga Palabok sa Istorya

Dalawang unang taon na head coach ang maghaharap sa enkuentro ng Raiders at Jaguars.

Si T Joe Barksdale ay lalabanan ang dating mga ka-teammate sa LSU na si DE Kendrick Adams at RB Richard Murphy.

Si QB Terrelle Pryor at CB Chimdi Chekwa ay galing ng Ohio State kasama ang mga Jaguars na si C Mike Brewster at WR Brian Robiskie, anak ng dating coach ng Raiders na si Terry Robiskie.

Si SS Mike Mitchell ay dating kalaro sa Ohio University ni Jaguars WR Taylor Price

Si FS Michael Huff at Jaguars CB Aaron Ross ay nagkasama sa University of Texas.

Mga pinili ng Jaguars sa 2012 Draft

Rawnd

Puwesto

Ngalan

Paaralan

1

WR

Justin Blackmon

Oklahoma State

2

DE

Andre Branch

Clemson

3

P

Bryan Anger

California

5

LB

Brandon Marshall

Nevada

6

CB

Mike Harris

Florida State

7

DT

Jeris Pendleton

Ashland

Mga Tampok na Nakuha ng Jaguars

WR Laurent Robinson (Cowboys 2011, Rams 2009-10, Falcons 2007-08), QB Chad Henne (Dolphins), CB Aaron Ross (Giants), WR Lee Evans (Ravens 2011, Bills 2004-10), RB Naufahu Tahi (Vikings), CB Reggie Corner (Bills)

Linggo 7: Raiders kontra Jaguars, Linggo, Oktubre 21, O.co Coliseum, CBS, alas-1:25 n.h. PT.

Itutuloy ang seryeng ito sa pagtingin sa pang-pitong kalaban ng  Raiders, ang Kansas City Chiefs.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising