Haharapin ng Raiders ang Chiefs sa Kansas City sa Linggo 8 at paghahandaan nila ang karibal sa dibisyon sa Linggo 15. Bahagyang lamang ng panalo ang Chiefs sa kanilang pangkalahatang serye sa regular season, sa 53-48-2 pero panalo ang Raiders sa tatlong laro sa huling limang enkuentro nila. Unang naglaban sila noong 1960 na ang Chiefs ay kilala bilang Dallas Texans at patuloy ang matinding tunggalian nila sa loob ng mahigit kalahating siglo.
Linggo 8 – Linggo, Oktubre 28 | ala-1:05 n.h. PT
Linggo 15 – Linggo, Disyembre 16 | ala-1:25 n.h. PT
Ang Coach at kanyang rekord
Ang coach ng Chiefs ay si Romeo Crennel na mag-uumpisa ng kanyang unang buong season na head coach ng Kansas City. Si Crennel ay dating defensive coordinator ng Chiefs ng dalawang season bago siya umasenso na head coach pagkatapos ng 13 games ng 2011 season, at sa huling tatlong games ay nagtapos ang Chief ng 2-1. Bago siya napunta sa Chiefs, si Crennel ay nag-head coach sa Cleveland Browns ng apat na taon. Dating defensive coordinator siya sa New England Patriots ng apat na taon, at kung saan nanalo sila ng tatlong Super Bowl. Sa mga taon 1997-99, si Crennel ay defensive line coach sa New York Jets at sa mga taon 1993-96 siya ay defensive line coach ng New England. Nag-umpisa siyang nag-coach sa NFL sa New York Giants at tumagal siya roon ng 12 taon (1981-92). Nag-coach siya ng defensive line (1990-92), ng special teams (1983-89) at naging assistant coach siya ng special teams/defensive line (1981-82).
Huling limang enkuentro
Tinalo sa overtime ng Raiders ang Chiefs sa Kansas City sa iskor na 16-13 noong Sabado, Disyembre 24 (Linggo 16) ng 2011 season. Ang game ay tinampukan ni DT Richard Seymour nang kanyang harangin ang dalawang field goal. Ang unang binigong field goal ay bago nag-halftime, at ang pangalawa ay sa kahulihan ng laro at napanatili ang pag-tabla nila kaya nag-overtime. Sumalo si WR Denarius Moore ng apat na pasa para sa 94 yarda at isang TD at si WR Darrius Heyward-Bey ay sumalo rin ng apat na pasa para sa 70 yarda, pati na ang nag-set up sa field goal ni K Sebastian Janikowski na siyang nagpanalo ng game. Si Safety Matt Giordano ang nanguna sa team ng siyam na tackle at isang intersepsiyon.
Nangamote ang Raiders ng 28-0 sa Oakland laban sa Chiefs noong Linggo 7 ng 2011. Si CB DeMarcus Van Dyke ay naka-intersep at si WR Darrius Heyward-Bey ay gumawa ng 89 yarda.
Ang Pilak at Itim ay ipinanalo ang dalawang game nila sa 2010. Pinabagsak nila ang Chiefs ng 31-10 sa Linggo 17 sa Kansas City. Sumugod si RB Michael Bush ng 25 beses para sa 137 yarda at isang TD, at si WR Jacoby Ford ay sumalo ng dalawang pasa para sa 22 yarda at isang TD samantalang ang depensa ng Raiders ay nagtala ng 7 sack at dalawang intersepsiyon.
Pinaghandaan ng Raiders ang Chiefs sa Linggo ng Nobiyembre 11 at tinalo nila ang Kansas City ng 23-20. Si WR Jacoby Ford ay naging pangalawang manlalaro sa kasaysayan ng NFL na gumawa ng mahigit 140 receiving yarda at 150 kick return yarda sa isang game. Siya ay bumuo ng 148 yarda sa anim na resepsiyon, isa rito ang nag-set up sa panabla na field goal at ang isa pa ang ang naghanda sa pang-panalong field goal. Nagdagdag pa siya ng 94-yarda na kickoff return para sa TD sa umpisa ng second half at nagtapos ng 158 total return yarda. Si Offensive tackle Khalif Barnes ay nagtala ng una niyang touchdown sa dalawang yarda na pasa sa end zone.
Sa Linggo ng Nobiyembre 15, 2009, nabigo ang Raiders sa Chiefs ng 16-10 sa kanilang bahay. Si SS Tyvon Branch ay gumawa ng 8 tackle at si DE Matt Shaughnessy ay nagdagdag ng apat na tackle at isang sack.
Mga Palabok sa Istorya
Makakaharap ng Pilak at Itim si CB Stanford Routt, ang dating second round draft pick ng Raiders sa 2005 Draft ng NFL.
Ang team ay makaka-enkuentro rin ang dating TE na si Kevin Boss.
Si LB Rolando McClain ay naging kalaro ni Chiefs DB Javier Arenas sa depensa ng Alabama.
Si RB Darren McFadden at si RB Peyton Hillis ng Chiefs ay nagka-teammate sa Arkansas at si Hillis ang taga-block para kay McFadden.
Si WR Eddie McGee ay makakalaban ang mga dating ka-teammate sa Illinois na si OL Jeff Allen at Jon Asamoah.
Si TE Brandon Myers ay naglaro sa Iowa kasama ang mga Chiefs na si Rob Bruggeman, TE Tony Moeaki at QB Ricky Stanzi.
Makikita rin ni WR Rod Streater ang ka teammate sa Temple na si TE Steve Maneri ng Chiefs..
Nakasama ni FS Michael Huff sa University of Texas ang mga taga Chiefs na si RB Jamaal Charles at LB Derrick Johnson.
Mga Pinili ng Chiefs sa 2012 Draft | |||
Rawnd |
Pwesto |
Ngalan |
Paaralan |
1 |
DT |
Dontari Poe |
Memphis |
2 |
T |
Jeff Allen |
Illinois |
3 |
T |
Donald Stephenson |
Oklahoma |
4 |
WR |
Devon Wylie |
Fresno State |
5 |
CB |
DeQuan Menzie |
Alabama |
6 |
RB |
Cyrus Gray |
Texas A&M |
7 |
DT |
Jerome Long |
San Diego State |
7 |
WR |
Junior Hemingway |
Michigan |
Mga tampok na bagong kuha ng Chiefs:
RB Peyton Hillis (Browns 2010-11, Broncos 2008-09), TE Kevin Boss (Raiders 2011, Giants 2007-10), CB Stanford Routt (Raiders), T Eric Winston (Texans), QB Brady Quinn (Browns, Broncos), LB Leon Williams (Cowboys 2010, Browns 2006-08), TE Martin Rucker (Jaguars 2011, Cowboys 2010-11, Browns 2008), S Abram Elam (Cowboys 2011, Browns 2009-10, Jets 2007-09, Cowboys 2006)
Ipagpapatuloy ang seryeng ito at aming titignan ang Tampa Bay Buccaneers.