Skip to main content
Raiders
Advertising

Unang Tingin - Pittsburgh Steelers

071312-firstlooks-steelers.jpg


Paghahandaan ng Raiders ang Pittsburgh Steelers sa O.co Coliseum sa Linggo 3 ng regular season. Ang dalawang team ay unang naglabanan noong 1970 at ngayon ay kanilang ika-20 na paghaharap. Sa ngayon, lamang ang Raiders ng 20 panalo at 19 talo. Nakaharap na rin ng Raiders ang Steelers sa AFC Divisional Playoff games (1973 at 1983) at dalawang beses na nanalo ang Raiders.

Ang Coach at kanyang record: Papasok na si Mike Tomlin sa kanyang pang-anim na season sa Steelers bilang head coach. Sa kanyang limang season, dinala ni Tomlin ang Steelers sa overall regular season rekord na 55-25 at apat na beses sa playoffs at napanalunan nila ang Super Bowl XLIII sa ikalawang season. Matapos na pumaltos ang Steelers sa playoffs ng 2009, umabot muli sa Super Bowl XLV, pero natalo sila ng Green Bay Packers. Bago siya umupo sa kanyang posisiyon na head coach, si Tomlin ay dating defensive coordinator para sa Minnesota Vikings (2006), at defensive backs coach sa Tampa Bay Buccaneers (2001-05), at defensive backs coach sa University of Cincinnati (1999-00). Nagsimula sa putbol si Tomlin sa William and Mary, kung saan siya ay naging istarter na wide receiver.

Huling limang enkuentro:

Huling nagbanggaan ang Raiders at Steelers sa Linggo 11 ng 2010 sa Heinz Field. Nahirapan ang opensa ng Raiders at natalo sila sa Pittsburgh ng 35-3. Si DE [Lamarr Houstoninternal-link-placeholder-0] ay gumawa ng limang tackles at isang sack at sila FS [Michael Huffinternal-link-placeholder-0], DT [Tommy Kellyinternal-link-placeholder-0], DE [Matt Shaughnessyinternal-link-placeholder-0] at S [Mike Mitchellinternal-link-placeholder-0] ay gumawa rin ng tigatlong tackles.

Noong 2009, dumayo rin ang Raiders sa Pittsburgh at kanilang tinalo ang Steelers ng 27-24, nang umiskor sila ng 21 puntos sa 4th quarter, sa Linggo 13. Sa pagbabalik ni QB Bruce Gradkowski sa kanyang tinubuang bayan ay naghagis siya ng 308 yarda at tatlong TD. Si WR [Louis Murphyinternal-link-placeholder-0]ay nakasalo ng apat na pasa para sa 128 yarda  at dalawang TD, kasama rito ang isang 75 yarda. Si FS Michael Huff at SS [Tyvon Branchinternal-link-placeholder-0]ay parehong gumawa ng anim na tackle.

Punong-abala ang Raiders sa enkuentro nila ng Steelers sa Linggo 8 ng 2006. Nanalo ang Pilak at Itim sa iskor na 20-13, dahil sa kanilang depensa na gumawa ng apat na intersepsiyon, dalawa rito ang humantong sa touchdown.

Sinimulang ng Raiders ang kanilang 2004 season sa Heinz Field sa Setiyembre 12 at natalo ng 24-21. Kinumpleto ni QB Rich Gannon ang 20 sa 37 na pasa para sa 305 yarda at dalawang TD at si WR Doug Gabriel ay sumalo ng tatlo para sa 81 yarda at isang TD.

Sa Linggo 14 ng 2003 season, dumayo ang Pilak at Itim sa Pittsburgh at natalo ng 27-7. Si RB Tyrone Wheatley ay pumuslit ng 13 beses para sa 65 yards at isang TD at si LB Eric Barton ang nanguna sa depensa ng siyam na solo na tackle.

Mga Plabok sa Istorya

Haharapin ng Raiders ang dating head coach ng Kansas City Chiefs na si Todd Haley na ngayon ay offensive coordinator ng Steelers.

Haharapin din ng Raiders ang kanilang ika-5 na napili sa draft ng 2010, si CB Walter McFadden.

Makikita rin ni WR Louis Murphy ang dating kalaro niya sa Florida na si T Marcus Gilbert, LB Brandon Hicks, C Maurkice Pouncey at RB Chris Rainey.

Si QB [Terrelle Pryorinternal-link-placeholder-0] ay naglaro sa Ohio State kasama si T Mike Adams at DE Cameron Heyward.

Si DE Matt Shaughnessy at safety [Aaron Henryinternal-link-placeholder-0] ay naglaro para sa Wisconsin kasama si WR David Gilreath.

Mga Pinili ng Steelers sa 2012 Draft

Rawnd

Pwesto

Ngalan

Paaralan

1

G

David DeCastro

Stanford

2

T

Mike Adams

Ohio State

3

LB

Sean Spence

Miami

4

DT

Alameda Ta'amu

Washington

5

RB

Chris Rainey

Florida

7

WR

Toney Clemons

Colorado

7

TE

David Paulson

Oregon

7

CB

Terrance Frederick

Texas A&M

7

T

Kelvin Beachum

SMU

Mga Tampok na bagong kuha ng Steelers:

TE Leonard Pope (Chiefs), C Matt Katula (Vikings 2011, Patriots 2010, Ravens 2005-09), LB Brandon Johnson (Bengals 2008-11, Cardinals 2006-07)

Raiders vs Steelers, Linggo, Setiyembre 23, O.co Coliseum, CBS, 1:25 p.m. PT.

Ipapatuloy ang serye at titignan ang pang-apat at panglimang kalaban ng Raiders sa regular season, ang Denver Broncos at Atlanta Falcons.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising