Skip to main content
Raiders
Advertising

Unang Tingin - Raiders at Cardinals

Cardinals.jpg

Ang unang dayo ng Oakland Raiders sa 2012 ay patungo sa Arizona upang harapin ang  Cardinals sa University of Phoenix Stadium. Ang Kickoff is ay gaganapin sa alas-7:00 n.g. PT sa Biyernes, Agosto 17.

Kasaysayan ng Labanan nila: Dadayo ang Raiders sa Arizona sa Linggo 2. Lamang ang Oakland ng 7-5 sa kanilang all-time preseason serye laban sa Cardinals. Ang huling laban nila sa preseason ay sa Oakland nitong nakaraang taon..

Ang Coach at record niya: Ang Cardinals, sa ilalim ni head coach Ken Whisenhunt simula ng 2007, ay nagtapos sa 8-8 nitong nakaraang regular season. Sa kanyang limang taon na head coach, dinala ni Wisenhunt ang Cardinals sa 40-40  na rekord sa regular season at umabot sila ng dalawang beses sa postseason, kasama rito ang paghantong sa Super Bowl XLIII laban sa Pittsburgh Steelers.

Huling limang labanan sa preseason:

Agosto 11, 2011: Punong-abala ang Raiders sa Cardinals sa unang laro ng 2011 preseason at nabigo sila ng 24-18. Ang mga bagitong players na si WR Denarius Moore at TE David Ausberry ay nagpakitang gilas, sa tatlong resepsiyon para sa 37 yarda si Moore at isang salo para sa 18 yarda at umiskor ng touchdown si Ausberry.

Agosto 23, 2008: Nangamote ang Raiders sa Cardinals 24-0 sa Oakland ikatlong laro ng preseason. Si bagitong RB Darren McFadden ay 12 beses nagdala ng bola para sa 40 yarda.

Agosto 11, 2007: Punong-abala na naman ang Raiders laban sa Cardinals sa unang preseason game ng 2007 at nanalo sila ng 27-23. Si P Shane Lechler ay nag-punt ng tatlong beses para sa 151 yarda (50.3 avg.).

Agosto 26, 2005: Bumisita ang Cardinals sa Oakland at tinalo ang Raiders 17-16. Tatlong field goal ang sinipa ni K Sebastian Janikowski at si FB Zack Crockett (ngayon ay Raiders scout) ay itinakbo ang bola ng walong beses para sa 29 yarda at sumalo ng isang pasa para sa anim na yarda.

Agosto 28, 2004: Bumiyahe ang Raiders sa Arizona sa pangatlong preseason game noong 2004, at nangibabaw sila ng 17-16. Si QB Rich Gannon ay gumawa ng 8 sa 12 na pasa para sa 89 yarda at si WR Doug Gabriel ay nakasalo ng apat na pasa para sa 87 yarda at isang TD.

Mga Palabok sa Istorya

Haharapin ng Raiders si LB Quentin Groves, na manlalaro ng Pilak at Itim ng dalawang taon, at siya ay naging istarter ng 55 games, at nakagawa ng 64 tackles, isang safety, dalawang nabuwag na pasa, isang intersepsiyon, at dalawang fumble na na-rekober. Ito ang pangalawang paglalaro ng Raiders sa University of Phoenix Stadium.

Mga Pinili ng Cardinals sa 2012 Draft

Rawnd

Pwesto

Ngalan

Paaralan

1

WR

Michael Floyd

Notre Dame

3

CB

Jamell Fleming

Oklahoma

4

T

Bobby Massie

Mississipi

5

T

Senio Kelemete

Washington

6

CB

Justin Bethel

Presbyterian

6

QB

Ryan Lindley

San Diego State

7

T

Nate Potter

Boise State

Mga Tampok na Nakuhang Free Agent ng Cardinals

G/T Adam Snyder, galing sa San Francisco 49ers
CB William Gay, galing sa Pittsburgh Steelers
S James Sanders, dating Atlanta Falcons
LB Quentin Groves, dating-Oakland Raider at Jacksonville Jaguars

Raiders at Cardinals, Biyernes,  Agosto 17, KTVU FOX 2.
Ticket Info | Preseason Live

Ipagpapatuloy ang serye ng unang tingin sa Detroit Lions sa Biyernes at ang Seattle Seahawks sa Lunes.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising