Skip to main content
Raiders
Advertising

Unang Tingin - Raiders sa Seahawks

seahawks.jpg

Sa panghuling laro ng 2012 preseason, dadayo ang Raiders sa Seattle upang harapin ang Seahawks sa Linggo 4. Sasagupain ng Raiders ang dating karibal sa AFC Western Dibisyon na  Seahawks sa ikapitong sunod-sunod na beses sa preseason, at ikalimang beses sa nakaraang anim na taon sa Seattle, pati na noong 2011.

Panalo ang Seattle ng pitong beses sa 10 labanan sa preseason simula noon 1974.

Ang Coach at kanyang record: Papasok na si Pete Carroll sa kanyang ikatlong taon bilang head coach ng Seattle Seahawks. Sa kanyang unang taon, naging kampeon ng NFC West ang Seahawks at tinalo nila ang New Orleans Saints sa Wild Card game. Nitong nakaraang season, dinala ni Carroll ang Seahawks sa record na 7-9, pero nakamtan ang malaking tagumpay nang talunin nila sa Linggo 5 ang naging kampeon ng Super Bowl  na New York Giants.

Huling limang enkuentro sa preseason:

Natalo ang Raiders sa Seahawks ng 20-3 sa Linggo 4 ng 2011 preseason. Dalawang pasa ang nasalo ni TE Richard Gordon para sa 41 yarda.

Noong 2010, pinaghandaan sa Oakland ng Pilak at Itim ang Seahawks at nanalo sa iskor na 27-24. Nasalo ni Rookie WR Jacoby Fordang isang pasa para sa 62 yarda, gayundin si FB Manase Tonga para sa 32 yarda at isang TD,  at isang pasa ang nasalo rin ni WR Darrius Heyward-Bey para sa 34 yarda.

Noong Setiyembre 3, 2009, dumayo muli ang Raiders sa Seattle para sa huling preseason game. Natalo ang Oakland, pero si TE Brandon Myers ay sumalo ng dalawang pasa para sa 20 yarda at si DE Matt Shaughnessy ay gumawa ng tatlong solo na tackles.

Sa Linggo 4 ng 2008 Preseason, lumipad muli ang Raiders patungong Seattle, at bumagsak sa iskor na 23-16. Itinakbo ang bola ni RB Darren McFadden  nang apat na beses para sa 50 yarda at si FB Marcel Reece ay meron isang salo para sa 25 yarda at isang TD.

Dayo sa Seattle pa rin ang huling preseason game ng Raiders noong 2007, at natalo sila sa Seahawks ng 19-14. Gumawa ng dalawang tackle si DE Dave Tollefson at meron tig-isang tackle si FS Michael Huff at LS/LB Jon Condo.

Mga Palabok sa Istorya

Ang pinili ng Seahawks sa 1st rawnd ng 2009 draft ay si LB Aaron Curry, at makakaharap niya ang Seattle sa unang pagkakataon simula noong na-trade siya sa Raiders noong Oktubre 13, 2011. Si Curry ay naglaro ng 35 games para sa Seahawks, at gumawa siya ng 156 tackles, limang sacks, tatlong nabuwag na pasa at apat na napuersang fumble sa kalaban.

Si head coach Pete Carroll ang nag-coach ng limang dating USC Trojans na ngayon ay nasa roster ng Raiders: ang Heisman-winner na QBs Carson Palmer at Matt Leinart, si TE David Ausberry, si C Alex Parsons, at si WR Brandon Carswell.

Haharapin ng Raiders ang kanilang dating head coach na si Tom Cable, na ngayon ay nagsisilbing offensive line at assistant head coach ng Seahawks. Makikita rin ng Pilak at Itim ang kanilang dating TE na si Zach Miller, na naglaro sa Raiders ng apat na taon bilang istarter sa 61 games at umiskor ng12 TDs.

Mga Pinili ng Seahawks sa 2012 Draft

Rawnd

Pwesto

Ngalan

Paaralan

1

DE

Bruce Irvin

West Virginia

2

LB

Bobby Wagner

Utah State

3

QB

Russell Wilson

Wisconsin

4

RB

Robert Turbin

Utah State

4

DT

Jaye Howard

Florida

5

LB

Korey Toomer

Idaho

6

CB

Jeremy Lane

Northwestern State (Louisiana)

6

DB

Winston Guy

Kentucky

7

DE

JR Sweezy

North Carolina State

7

DE

Greg Scruggs

Louisville

Mga kinuha ng Seahawks na Tampok na Free Agent

DE Jason Jones (Titans), QB Matt Flynn (Packers), T Frank Omiyale (Bears), RB Kregg Lumpkin (Buccaneers and Packers), G Deuce Lutui (Cardinals), LB Barrett Ruud (Titans and Buccaneers), T Alex Barron (Rams, Cowboys and Saints), TE Kellen Winslow – trade from Tampa Bay.

Raiders at Seahawks, Huwebes, Agosto 30, KTVU FOX 2.
Ticket Info | Preseason Live

Ipagpapatuloy ang serye ng pagtingin sa unang kalaban ng Raiders sa regular season, ang San Diego Chargers, sa Miyerkules, Hunyo 27, at ang kanilang kalaban sa Linggo 2 sa Miami. Miami.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising