Sa pagbukas ng 2012 regular season, kakalabanin sa Oakland ng Raiders ang San Diego Chargers sa ikalawang game ng double-header ng ESPN Monday Night Football. Nangunguna ang Raiders sa pangkalahatang regular season rekord ng labanan nila at ng karibal sa AFC West ng 57-45-2. Noong nakaraang taon, naghati sila ng panalo sa kanilang dalawang laro, at parehong nanalo sa kanilang pagdayo. Bago pumasok ang taon 2010, nanalo ang San Diego ng sunod-sunod na 13 games. Sa 2010 season, napigil ng Raiders ang pagtuhog nang talunin nila ang Chargers ng 35-27 sa Oakland at 28-13 sa Qualcomm Stadium. Tatapusin nila ang 2012 regular season sa San Diego sa Disyembre 30, 2012.
Ang Coach at kanyang Rekord: Ang head coach ng San Diego ay si Norv Turner, na sumapi sa Chargers noong 2007. Bago siya umabot sa kanyang posisyon, si Turner ay dating offensive coordinator ng Miami Dolphins (2002-03), at dating head coach ng Raiders (2004-05) at galing sa 49ers na offensive coordinator (2006). Bilang head coach ng Chargers, pinamunuan ni Turner ang pagpanalo ng Chargers ng tatlong beses ang korona ng West Dibisyon at natamo ang overall rekord sa regular-season na 49-31 at 3-3 sa playoffs. Nagtapos ang Chargers sa 8-8 noong nakaraang season.
Huling anim na enkuentro:
Sa huling laro ng 2011 regular season pinaghandaan sa Oakland ng Raiders ang Chargers noong Enero 1, 2012. Ang panalo rito ay siyang magkakamit sa korona ng AFC Western Division, at nabigo ang Raiders sa 38-26. Kahit na natalo sila, si QB Carson Palmer ay humagis ng 417 yarda at dalawang TD, si WR Darrius Heyward-Bey ay sumalo ng 9 na pasa para sa 130 yarda at isang TD, si WR Denarius Moore ay sumalo ng tatlong pasa para sa 101 yarda at si WR Louis Murphy ay sumalo rin ng limang para para sa 72 yarda. Sumipa si K Sebastian Janikowski ng apat na field goal, kasama ang mahabang 52 yarda.
Ang kanilang unang labanan sa 2011 ay ang pagdayo ang Raiders sa Qualcomm Stadium para sa Thursday Night Football ng NFL Network. Sa ilalim ng maningning na mga ilaw ng TV, sumugod ang Raiders ng 489 yards at tinalo ang Chargers ng 24-17. Naghagis si QB Carson Palmer ng 299 yarda at dalawang TD at si WR Denarius Moore ay nagpakita ng kagila-gilalas na mga pagsalo para sa 123 yarda at umiskor siya ng dalawang TD.
Noong Disyembre 5, 2010, pinabagsak ng Raiders ang Chargers, 28-13 sa San Diego. Si RB Darren McFadden ay tumakbo ng 97 yarda sa 19 pagdala at umiskor ng isang TD, at si FB Marcel Reece ay sumalo ng tatlong pasa para sa 42 yarda at idinagdag naman ni WR Jacoby Ford ang isang nasunggaban naTD.
Noong 2010, sa kanilang unang labanan, tinigil ng Raiders ang sunod-sunod na 13 na pagkatalo sa Chargers nang magtagumpay sila ng 35-27 sa Oakland. Si FS Michael Huff ay gumawa ng team rekord na 11 tackles (nine solo) at isang sack, at si DE Matt Shaughnessy ay nagdagdag din ng anim na tackles, at isang sack at dalawang tackle na nabawasan ang yarda ng kalaban. Si DT Richard Seymour, at si DT Tommy Kelly at si S Mike Mitchell ay bawat isang gumawa din ng apat na tackles. Ang narekober na fumble ni SS Tyvon Branchat dinala niya para sa touchdown ang siyang nagpanalo sa Raiders.
Noong 2009, parehong nabigo ang Raiders sa dalawang enkuentro nila ng Chargers. Sa Linggo 1, mahigit kaysa Chargers ang nakuha nilang yarda (366-317) at si RB Darren McFadden ay sumugod ng 68 yarda at si WR Louis Murphy ay sumalo ng apat para sa 87 yarda, pero talo pa rin ng 24-20. Sa ikalawang enkuentro, Tinalo ng Chargers ang Raiders ng 24-16 sa Qualcomm.
Mga Palabok sa Istorya
Haharapin ng Raiders ang dati nilang offensive tackle na si Mario Henderson. Si Henderson ay naglaro sa Raiders ng apat na seasons (2007-2010), naging istarter siya ng 28 sa 44 games na nilaro niya.
Ang apat na Raiders na galing sa Penn State na sina: OL Stefen Wisniewski, DE Jack Crawford, LB Nathan Stupar, at S Chaz Powell ay makakalaro ang dating teammate na si G Johnnie Troutman.
Si LB Rolando McClain ay makakasagupa ang pinsan niyang si FB Le'Ron McClain.
Makakaharap naman ni Rookie LB Miles Burris ang dating ka-teammate sa San Diego State na si OL Brandyn Dombrowski at si WR Vincent Brown.
Si FB Marcel Reece ay iiwas sa dating ka-teammate sa University of Washington na si LB Donald Butler.
Makakasagupa ni WR Jacoby Ford ang dating kalaro sa Clemson na si CB/KR Marcus Gilchrist.
Si WR Juron Criner ay makikita naman ang tatlong dating kasama sa Arizona Wildcats – sina C Colin Baxter, CB Antoine Cason, at LB Ricky Elmore.
Si Cris Dishman ay galing sa Minority Coaching Fellowship Program ng NFL na ginanap sa Oakland Raiders noong 2007, at ngayon siya ay nasa coaching staff ng Chargers. Ang Chargers tight ends coach na si Jason Michael ay dating offensive quality control coach at video assistant ni Norv Turner sa Oakland.
Mga Pinili ng Chargers sa 2012 Draft | |||
Rawnd |
Pwesto |
Ngalan |
Paaralan |
1 |
LB |
Melvin Ingram |
South Carolina |
2 |
DE |
Kendall Reyes |
Connecticut |
3 |
S |
Brandon Taylor |
LSU |
4 |
TE |
Ladarius Green |
Louisiana-Lafayette |
5 |
G |
Johnnie Troutman |
Penn State |
7 |
C |
David Molk |
Michigan |
7 |
RB |
Edwin Baker |
Michigan State |
Mga Tampok na Manlalaro na Bagong Kuha ng Chargers :
RB Le'Ron McClain (Chiefs-2011, Ravens 2007-2010), LB Jarrett Johnson (Ravens), WR Eddie Royal (Broncos), QB Charlie Whitehurst (Seahawks), S Atari Bigby (Seahawks-2011, Packers 2006-2011), TE Dante Rosario (Dolphins-Broncos 2011, Panthers 2007-2010), WR Roscoe Parrish (Bills), WR Micheal Spurlock (Bucs 2007,2010-11, 49ers 2009, Cardinals 2006), OT Mario Henderson (Raiders), S Corey Lynch (Bucs 2009-11, Bengals 2008), RB Ronnie Brown (Dolphins)
Raiders vs Chargers, Lunes, Setiyembre 10, O.co Coliseum, ESPN
Raiders at Chargers, Linggo, Disyembre 30, Qualcomm Stadium, CBS
Ticket Info | Game Rewind
Ipagpapatuloy ang seryeng ito at sa susunod ay bibigyan pansin ang pangalawang kalaban sa regular season ng Raiders, ang Miami Dolphins at ang pangatlong kalaban na Pittsburgh Steelers.