Skip to main content
Raiders
Advertising

Natalo ang Raiders sa Jaguars sa Isang Thriller na Laro, 38-31

121210-mcfadden-story.jpg

Tinalo ng [**

**](http://www.jaguars.com/) ang Oakland Raiders sa iskor na 38-31 sa isang kahindik-hindik na labanan sa EverBank Field sa Jacksonville, Fla. Ang aksiyon ay pang-Linggo 14 ng 2010 Regular Season.

Nanalo ang Raiders sa opening coin toss at pinili nilang mauna sa pagtanggap ng bola. Sa endzone sinalo ni WR [Jacoby Fordinternal-link-placeholder-0] ang sipa ni K Josh Scobee at touchback ito kaya sa kanilang 20 nag-umpisa ang paglusob ng Raiders. Si [Jason Campbellinternal-link-placeholder-0] ang istarter na quarterback. Na-three and out sila at nag-punt ng 41 yarda si P [Shane Lechlerinternal-link-placeholder-0] na ibinalik sa Jacksonville 33.

Binawian din ng depensa ng Raiders ang Jaguars ng three-and-out, at ibinalik ni Higgins ang punt ni P Adam Podlesh sa Raiders 31. Sa sumunod na 3 play sumugod ang Raiders ng 69 yarda at sa huli nito ay ang 67 yarda na catch and run ni RB [Darren McFaddeninternal-link-placeholder-0] para sa touchdown. Idinagdag dito ang extra point na sinipa ni K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0] at nabigyan ang Raiders ng lamang na 7-0, at meron pang 10:28 sa 1st kuwarter.

Si RB Deji Karim ang nagbalik ng kasunod na kickoff hanggang sa Jaguars 33. Pumasok ang Jacksonville sa loob ng teritoryo ng Raiders pero napabagsak ni LB [Kamerion Wimbleyinternal-link-placeholder-0] ang QB ng Jaguars na si David Garrard at napalayo sila sa dina naaabot ng field goal kaya napuersang nag-punt. Sa Raiders 5 nag-umpisa ang sumunod na salakay.

Pinigil ng Jacksonville ang Raiders sa isa pang three and out at nag-take over sila sa kanilang 50 pagkatapos ng punt ni Lechler sa 5:56 ng unang kuwarter. Matatag din ang depensa ng Raiders at muling nag-punt si Podlesh. Sa Raiders 11 nag-fair catch si Higgins. Sa sumunod na paglusob, nabura ang isang first down ng penalty at napilitan na nag-punt ang Oakland. Sa Raiders 46 nagsimula ang Jaguars pagkatapos na madala roon ni WR Mike Thomas ang punt return.

Umiskor ng 1 yarda TD ang Jaguars sa pasa ni Garrard kay TE Marcedes Lewis. Ito ang nagtapos sa 45-yarda na drive sa loob ng 7 play at nagtabla ang iskor sa 7-7 sa 11:56 sa orasan ng 2nd kuwarter.

Ibinalik ni Ford ang kasunod na kickoff sa Oakland 18. Magaling na hinatak ni Campbell ang Raiders ng 74 yarda sa loob ng 10 play at umiskor si Janikowski ng 26 yarda na field goal at lumamang ang Raiders ng 10-7 sa 6:25 ng 2nd kuwarter.

Mukhang nakuha ng Raiders ang bola ng sikwatin ang bolang hawak ng receiver ng Jaguars. Ang unang pasiya ay meron daw kontak, pero hinamon ng Raiders ang ruling. Nirebyu at pinalitan ang ruling nang sumang-ayon ang mga reperi na ito nga ay intersepsiyon ni safety [Mike Mitchellinternal-link-placeholder-0]. Ito ang una niyang career interception. Sa kanilang 21 nag-take over ang Raiders.

Pumasa ng 8 yard si QB Jason Campbell kay WR [Louis Murphyinternal-link-placeholder-0] para sa TD at pasok din ang PAT at lumamang ang Raiders ng 17-7 sa huling 19 sandali ng 2nd kuwarter. Inabot ng 9 n play ang 79 yarda na drive.

Sa second half, dinala ang maikling kickoff sa Jaguars 43. Kumunekta si Garrard kay WR Jason Hill para sa 48-yarda na TD at nabawasan ang lamang ng Raiders sa 17-14 at meron pang 12:47 sa 3rd kuwarter.

Dinagdagan ng Raiders ang kanilang lamang nang lumusot si McFadden at parang kidlat na humagibis ng 51 yarda para sa touchdown. Kasama ang extra point at ang iskor ay 24-14 para sa Raiders sa11:21 ng 3rd kuwarter.

Na-touchback ang kasunod na kickoff at sa kanilang 20 nagsimula ng atake ang Jaguars ngunit na-three and out sila. Ibinalik ni Higgins ang punt ni Podlesh sa Raiders 37. Hindi rin gumana ang paglusob ng Raiders at nagpunt si Lechler. Pinabagsak si Thomas sa Jags 18.

Subali���t sa ilang play lamang, ay kumaripas sa sideline si RB Rashad Jennings at gumawa ng  74-yarda na touchdown run. Lumiit ang lamang ng Raiders sa 24-21 sa 6:44 sa orasan ng 3rd kuwarter.

Nag-fumble si Ford sa pagsalo ng kickoff at nakuha ng Jacksonville ang bola sa Raiders 22. Sinamantala ng Jacksonville na umiskor ng 10-yarda na TD pass kay Mike Sims-Walker. Kasama ang extra point, lumamang ang Jaguars ng 28-24 sa 3:44 ng 3rd kuwarter.

Na-three and out muli ang Raiders at ang punt ni Lechler ay nag-out of bounds sa Jacksonville 38. Lumaki ang lamang ng Jaguars sa 31-24 nang umiskor si Scobee ng 19-yarda na field goal sa huling 11:22 ng laro.

Ibinalik ni Ford ang kickoff sa Raiders 27. Sa 3rd and long, sinalubong ni Campbell ang helmet to helmet na bungguan at lumabas muna siya. Na-penalty ang Jags dahil sa roughing the passer. Pumalit na QB si  [Kyle Bollerinternal-link-placeholder-0] pero pagkaraan ng ilang play ay naagaw ang pasa niya at nagbalik ang bola sa Jacksonville 35.

Gumana ang depensa ng Raiders at na-three and out ang Jacksonville. Dinala ni Higgins ang punt ni Podlesh sa Raiders 17. Bumalik sa game si Campbell at pgkatapos ng ilang play, nalusotan ni McFadden ang dalawang tackle at humagibis ng 36 yarda para sa endzones. Pumasok ang PAT ni Janikowski at nag-tabla na naman ang dalawang team sa 31-31 sa huling 1:53 ng laro.

Umabot ng 65 yarda ang pagbabalik ni Karim at humantong siya sa Raiders 30. Itinakbo ni RB Maurice Jones-Drew ang 30 yards at umiskor ng TD, at lumamang ng 38-31 ang Jacksonville at meron na lang 1:34 ang natitira sa laro.

Nadala ni Ford ang kickoff sa Oakland 40 at ang pagsugod ng Raiders ay umabot sa Jags 30 pero naubusan sila ng panahon upang humabol pa.

Bumaba ang rekord ng Raiders sa 6-7 sa season na ito at sila ay magbabalik koliseo upang harapin ang [**

**](http://www.denverbroncos.com/) sa susunod na linggo.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising