Skip to main content
Raiders
Advertising

Nilampaso ng Raiders ang Broncos sa Sarilling Bahay 39-23

121910-ford-story.jpg

Umiskor si WR Jacoby Ford ng touchdown sa kanyang pagsibad ng 71-yarda matapos siyang umiskiyerda sa unang play ng Raiders mula sa scrimmage at tinalo nila ang  Denver Broncos.AP Photo.

Nanatiling buhay ang pag-asa ng Oakland Raiders na umabot sa playoffs nang makamtan ang tagumpay na 39-23 laban sa Denver Broncos. Ito ay naganap sa Linggo 15 ng aksiyon sa 2010 sa Oakland-Alameda County Coliseum. Sa kauna-unahang pagkakataon bilang propesyonal, nalampasan ni RB [Darren McFaddeninternal-link-placeholder-0] ang kabuuang pagtakbo ng 1,000 yarda sa isang season nang abutin niya ang 119 yarda sa 20 beses na pagdadala ng bola noong Linggo. Umiskor din ng dalawang magkapares na 1 yarda na touchdown si RB [Michael Bushinternal-link-placeholder-0] at meron pang karagdagang dalawang touchdown ang Raiders sa pamamagitan ng play na gumana ng mahigit na 70 yarda.

Ipinagpaliban sa 2nd half ng Raiders ang pag-receive ng bola nang manalo sila sa opening coin toss. At nagpakitang gilas agad ang depensa ng Raiders nang pigilin nila sa three and out ang Denver Broncos na pinangunahan ni QB Tim Tebow. Nag-punt si  P Britton Colquitt at sa Raiders 29 ibinaba ang bola.

Sa unang play ng Raiders, isang reverse ang isinagawa ni QB [Jason Campbellinternal-link-placeholder-0] nang ipinasa niya ang bola kay Ford, at katulong ng dalawang block, ay parang pusang sumibad si Ford ng 71 yarda para sa touchdown. Lumamang ang Raiders ng 7-0 kasama ang extra point ni Janikowski sa 13:14 ng 1st kuwarter.

Kahit na naibalik ni Decker ang kickoff sa Denver 37 na-three and out pa rin sila.  Dinala ni [Nick Millerinternal-link-placeholder-0] ang punt sa Raiders 34. Pagkaraan ng dalawang play, naagaw ng Broncos ang bola nang ma-intersep nila ang pasa ni Campbell at umabot sila sa Oakland 26. Umatras sa Oakland 41 ang Broncos dahil sa penalty. Ngunit sa isang 3rd and 24, isinagawa ni Tebow ang quarterback draw sa gitna ng linya at tumakbo siya ng 40 yarda para sa TD. Pumasok din ang extra point at nagtabla ang iskor sa 7-7 sa 9:40 ng 1st kuwarter.

Sa Raiders 23 ibinalik ni Ford ang bola. Masaklap na fumble ang nangyari at naagaw ng Denver ang bola at naparusahan ang gayung pagkakamali ang Raiders nang kumunekta ang 34 yarda na pasa ni Tebow kay WR Brandon Lloyd at umiskor sila. Lumamang ang Denver ng 14-7 sa 7:38 ng 1st kuwarter.

Subali't sumagot ang Raiders ng isang mahabang atake na tinapos ni RB Michael Bush ng isang 1-yarda na touchdown run. Nagtabla muli ang iskor sa 14-14 sa 3:20 ng unang kuwarter.

Sa Denver 30 nagsimula ang atake ng Broncos at humantong sila sa 46 yarda na field goal ni K Steven upang muling nanguna ng 17-14 sa unang sandali ng 2nd kuwarter. Sandaling hinawakan ng Raiders ang bola bago sila na-intersep at bumalik ang bola sa Broncos.

Sa 2nd kuwarter ay nagpalitan ng punt ang dalawang team dahil sa parehong naghigpit ang kanilang mga  depensa. Nasaktan si Lechler kaya si Janikowski ang pumalit na punter. Nabitawan ng Broncos ang bola at na-rekober ni S [Hiram Eugeneinternal-link-placeholder-0] sa Raiders 46.

Ipinasok mula sa 49 yarda ni Janikowski ang field goal at nagtabla muli ang iskor sa 17-17 sa 1:03 ng 2nd kuwarter. Hindi na gumana ang pag-atake ng Denver at pumasok sa locker room ang dalawang team na tabla sila.

Sa 2nd half, dinala ni Ford ang opening kickoff sa Oakland 27. Dahil sa mga penalty ay hanggang sa midfield lamang umabot ang Raiders bago nag-punt. Sa Denver 6 nag-out of bounds and punt ni Lechler pero dahil din sa penalty ay sa Denver 3 nagsimula ang Broncos at hindi rin gumana ang kanilang atake.

Si Nick Miller ang nagbalik ng punt. Umabante ang Raiders at sa tulong ng facemask penalty ng Broncos, umabot sila sa Denver 24. Doon sila napuersang mag-field goal sa distansyang 36 yarda na ipinasok ni Janikowski at lumamang ang Raiders ng  20-17 sa 7:27 ng 3rd kuwarter.

Ang sumunod na drive ng Denver na nagsimula sa kanilang 37 ay umabot ng 47 yarda sa anim na play at sumipa si Haushka ng 35-yarda na field goal. Tumabla muli ang Broncos sa iskor na 20-20 sa 5:03 ng 3rd kuwarter.

Sumagot na naman ang Raiders ng 6 na play at umabante sila ng 37 yarda. Pumasok ang 47 yarda na field goal ni Janikowski at ang Pilak at Itim ay lumamang ng 23-20 sa huling 1:29 ng 3rd quarter.  

Nakuhang ibalik ni RB Lance Ball ang bola sa Denver 36 pero napuersa sila na mag-punt. Sa kanilang 27 ibinalik ito ni Nick Miller. Kumunekta si Campbell kay FB [Marcel Reeceinternal-link-placeholder-0] para sa 73-yarda na touchdown at ang kanilang lamang ay lumaki sa 30-20 at meron pang 14:32 sa 4th kuwarter.

Sumugod mula sa Denver 24 ang Broncos at naipasok ni Haushka ang 45-yarda na field goal kaya nabawasan ang lamang ng Raiders sa 30-23 sa huling10:04 ng laro.

Sa Raiders 35 ibinalik ni RB [Rock Cartwrightinternal-link-placeholder-0] ang kasunod na kickoff at umabot sa Broncos 40 bago sila nag-punt at sa Broncos 6-yard line nag-umpisa ang Denver.

Sa ikalawang play ng Broncos ay pinabagsak ni LB [Quentin Grovesinternal-link-placeholder-0] si RB Correll Buckhalter sa loob ng end zone kaya safety ito at kumuha ng dalawang puntos ang Raiders para sa 32-23.

Ibinalik ni Nick Miller ang free kick at dahil sa late hit out of bounds napunta sa magandang field position ang Raiders. Sa mga sumunod na 8 play ay gumana ng 47 yarda ang Raiders at tinapos ito ni Bush ng 1-yarda na touchdown run. Kasama ang extra point ay nasigurado na ang panalo ng Raiders sa lamang na 39-23 sa huling 3:37 ng laro.

Pagbalik ng bola ni Decker sa Denver 31 ay na-three and out sila ng depensa ng Pilak at Itim, at inubos na lamang ng Raiders ang mga nalalabing panahon upang matamo ang tagumpay. Gumanda ang rekord ng Raiders sa 7-7 sa season na ito (at 5-0 sa AFC West) at kanilang paghahandaan ang mga [**

**](http://www.colts.com/) sa darating na Linggo.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising